Nakita niya ang mga pagdududa sa mga mata ni Tiyang Norma na nakatingin sa kanya. Talaga namang kaduda-duda ang mga ipinukol na mga titig kanina ni Sir Bastian sa kanya habang halatang ito'y masayang-masaya. At napansin naman siguro ni Tiyang Norma iyon. Nakaramdam naman siya ng kasiyahan sa mga ngiti at titig sa kanya kanina ng kanyang amo. Tila ba inlove na inlove itong nakatingin sa kanya kanina. Sana nga lang ay hindi lang siya nag-e-expect na mahal siya at inlove na inlove sa kanya ang kanyang amo. Baka kasi masasaktan lang siya kapag hindi pala siya mahal nito, kundi talagang katawan lang niya ang nagustohan nitong bembangin. Nagtimpla na nga siya ng kape para sa kanyang amo. Hinahanap niya ang puting asukal para itimpla sa kape ng amo, nakita naman niya kaagad iyon. Tinikman p

