Napatigil naman siya nang marinig niya ang sigaw at tawag sa kanya ni Sir Bastian na ito'y maliligo lang pala sa pool. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi kung bakit ba gano'n nalang kadumi ng utak niya nang maghubad ito ng T-shirt nito. Pahamak talaga. Kung bakit kasi sinabi pa sa kanya ni Tiyang Norma na h'wag siyang magbigay kumpyansa kay Sir dahil lalaki ito at siya naman ay babae. Masamà tuloy ang kanyang iniisip at nagiging dirty minded na tuloy siya. "Come back, yaya!" inis na tawag muli sa kanya ni Sir Bastian. Napapikit nalang siya saglit sa kanyang kabang naramdaman. Baka kung anong sasabihin nito sa kanya. At ang ibinigay nitong pera upang ipadala niya sa kanyang pamilya sa bundok ay baka ikakaltas na nito iyon sa kanyang sahod. Napakasayang naman kaya kailangang bu

