Kinabukasan naman nang dumating na ang barkong sinakyan nila sa Manila North Harbor, sa may pier 4. Nasa 11:00 am talaga Sila dumating dahil 27 hours ang kanilang biyahe mula sa Bohol. Nasa waiting area na muna sila. Hinihintay nila ang driver ng mga Delgado na susundo sa kanila.
" Bakit nandito pa tayo, aling Norma?" tanong niya rito.
"Tigilan mo na nga ako sa kakatawag ng ali. Tiyang Norma nalang, Eliana." anito sa kanya.
" Ay sorry po. Sige, tiyang Norma nalang." ang sabi niya.
" Hinintay natin ang sundo natin. Si Mang Kulas, ang driver ng mga amo natin." Ani aling Norma.
" Ahh, gano'n po ba." aniya habang napahawak sa braso ni Aling Norma.
" Oh, bakit?" tanong naman nito na tiningnan ang nakahawak n'yang kamay sa braso nito na medyo nanlalamig.
"Medyo natakot po ako, tiyang. Hindi ko po alam kung bakit. Okay lang ba talaga ang mga amo natin ? di ba nananakit?" kinabahang tanong naman niya rito.
" Naku, hindi naman. Bakit naman mananakit? di 'yan pwedi, Eliana, kaya h'wag kang matakot at mag-isip ng masamà." sabi ni Aling Norma sa kanya.
Di naman matagal ang paghihintay nila. Dumating agad si Mang Kulas. Kaya nagbiyahe na sila papunta sa bahay ng kanilang amo.
Pagdating naman nila ay napahanga si Eliana sa laki ng bahay ng kanilang magiging amo. Kaya di niya maiiwasang mas lalong kabahan.
May tatlong palapag ito na may modern minimalist o Mediterranean-
inspired design at may malalaking bintanang salamin, at malawak na balcony.
Napapahanga si Eliana maging sa bakuran ng malaking bahay. Makikita ang isang manicured garden na may exotic plants tulad ng bonsai at orchids. May stone pathways din at Japanese-inspired koi pond.
At sa kaliwang banda ay may infinity pool na may LED lights, swim-up bar, at cabana beds para sa pool parties. Meron namang pergola na may hanging lights at surround sound system. At napapasilip pa si Eliana sa garage na may anim na car na Mercedes at Porsche.
At itinuro din sa kanya ni Aling Norma ang
Staff quarters na may 4 rooms, para sa driver at katulong.
May mataas na pader din na may electric fence at 24/7 CCTV.
At may Guardhouse sa entrance na may dalawang security personnel.
" Tiyang Norma, ang yaman naman pala ng amo niyo." di pa makapaniwalang wika niya.
" Ay oo naman."
Pagpasok nila ay isang
Grand entrance ang nabungaran nila na may malalaking haliging marmol, chandelier, at automated na pinto.
Ang mga pader ay gawa sa premium materials na imported tiles.
Tila mas lalo siyang pinanlamigan dahil di siya komportable sa loob ng magandang pamamahay na iyon. Dumikit pa siya kay aling Norma na tila natatakot.
" Oh bakit? masanay ka dito sa loob, Eliana. Di ka na basta-bastang makakauwi dahil malayo na ang lugar natin. Magtatagal ka dito bilang yaya para magkapera ka rin at mabili mo ang mga damit na gusto mo." sabi nito sa kanya.
Pagka enter nila sa Lobby ay nagulat pa si Eliana nang mabungaran nila ang isang matandang babae na donya ang hitsura kahit nakasuot lang ito ng pambahay. At medyo strict pa ang mukha nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot.
"Magandang tanghali po, madam Conchita." magalang na bati ni Aling Norma sa matandang babae.
Pagpasok palang nila ay nakatingin na ito sa kanila ni aling Norma, lalo na sa kanya.
" Magandang tanghali po." napilitang bati din niya.
"Magandang tanghali naman sa inyo, Norma. Siya na ba ang nakuha mo'ng yaya ng apo ko?" tanong agad nito.
" Yes po, madam. Siya po si Eliana. Anak ng matalik ko'ng kaibigan." sagot ni Aling Norma.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
" Magandang bata. Kaya lang... dapat marunong mag-ayos sana ng sarili, baka aayaw sa kanya ni Barbie. At isa pa, kaya ba niyang alagaan ang apo ko? ilang taon na siya?" tanong nito na tila di siya nagustohan.
Nakaramdam agad siya ng pagkapahiya.
"Eighteen po siya, madam. Pero kayang-kaya niyang mag-alaga ng bata dahil sanay naman siya, may dalawang kapatid siyang lalaki na siya halos nag-aalaga." sagot naman ni Aling Norma.
"K-kaya ko po'ng mag-alaga ng bata dahil gusto ko din po kasi ang mga bata, madam." nauutal pa niyang sabi rito.
"Okay, sige, kung gano'n. Isang five years old ang aalagaan mo. Si Barbie. Mabait naman ang apo ko, kaya lang minsan, medyo pasaway din. Oh, sige na, Norma, dalhin mo na siya sa staff quarters kung saan ang mga room niyong mga katulong." wika nito.
" Sige, salamat po, madam. Halika na, Eliana." hila sa kanya ni Aling Norma.
"Sandali muna, Norma, nakalimutan ko. Kapag nakapagrelax na kayo ay sasamahan mo siya sa mall, mamayang hapon. Alam kasi ni iho Bastian na darating ang new yaya ngayon ni Barbie, kaya gusto niyang pupunta ang new yaya ni Barbie mamaya sa mall. Dederetso sila mamaya doon ng anak niya. Para daw masanay agad itong si Eliana bilang new yaya sa bata. Ipapasyal muna ni Bastian ang anak niya baka busy na siya sa susunod na mga araw. Sa ngayon ay nasa bahay pa lang sila ng kapatid niya. Samahan mo nalang muna at i-guide ang bagong yaya at bilhan mo na rin siya ng mga damit niya doon sa mall." mahabang sabi ni madam Conchita na tiningnan ang kanyang suot.
Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya dahil alam niyang napangitan ito sa suot niyang t-shirt at delargo na medyo luma na.
"Ay opo, madam." sagot ni aling Norma.
" Ito, gamitin mo ito, at bilhan mo siya ng mga bagong damit. Para maging malinis at maganda naman siya para sa araw-araw na pag-aalaga niya sa apo ko." ani madam Conchita at nagbigay ng dalawang libo kay aling Norma.
" H'wag ka'ng mag-alala, yaya Eliana, hindi ko iyan ikakaltas sa sahod mo." dagdag na sabi pa nito.
"N-naku, salamat po, madam." nahihiyang wika niya.
Akala niya ay masungit, totoo pala ang sinabi ni Aling Norma na mabait ito kaya lang prangka nga lang magsalita.
_____
Kinabahan man si Eliana nang pagsapit ng hapon. Naghanda na sila ni Aling Norma na pupunta ng mall dahil yun ang gusto ng nagngangalang Sir Bastian.
" T-tiyang, nakakatakot naman po. Anong mukha ng mall? natatakot po ako sa mall at pati na kay Sir Bastian, baka di niya ako magustohan. Sabi mo kasi, masungit yun." ang sabi niya.
"Maganda ang mall. At saka, di naman nagsusungit si Sir kapag walang dahilan. Sige na, maghanda kana. Bibilhan din kita doon ng mga damit. " ang sabi ni Aling Norma.
" Hay, ang hirap basta, firstime. Nakakatakot." aniya.
" H'wag ka'ng matakot. Makaka adjust ka rin." tugon ni Aling Norma.
Mabilis lang naman ang pagdating nila sa mall. Nasa 6: 30 pm na ng gabi iyon at iba't ibang klase na ng liwanag mula sa mga ilaw ng siyudad ang nakikita ni Eliana.
" Ang ganda! grabe parang nasa mundo lang ako ng mga engkanto! daming mga ilaw!" bulalas pa ni Eliana.
"Ssshhh. Manood ka lang, h'wag mag-iingay." Saway nito sa kanya.
Tumahimik naman siya. Grabe, pati naramdaman mong tuwa ay kailangang itago dito sa siyudad? sa bundok ay kahit magsisigaw ka pa ng magsisigaw ay walang sasaway sa'yo doon.
Nang makapasok na sila sa loob ng mall ay agad naramdaman ni Eliana ang sobrang lamig sa loob. Pero okay lang, sanay naman siya sa malamig. Nagfa-fogs pa nga doon sa bundok nila kaya di na siya naninibago.
"Halika, doon tayo sa McDonald's. Nag message sa akin si Madam Conchita na nasa McDonald's daw sina Sir Bastian at ang bata."
Sumunod naman siya kay aling Norma. Para siyang buntot nito na natatakot mawalay sa likod nito. Pumasok nga sila sa loob ng McDonald's.
" Ayan sila, Eliana. Yang lalaki na may kasamang magandang bata na kulot ang buhok. Yan si Sir Bastian at ang batang aalagaan mo." mahinang sabi ni Aling Norma sa kanya.
Namangha naman siya sa nakita. Isang moreno at guwapong lalaking nakaupo at isang batang mukha talagang barbie ang kasama nito.
"S-siya pala, Tiyang." sabi pa niya na mas lalong natakot. Dahil kahit nakaguwapo ng nagngangalang Sir Bastian ay mukha talagang masungit ito.
" Good evening, Sir." agad na bati ni Aling Norma nang makalapit sila rito.
Napatingin agad ito sa kanila at lalo na sa kanya.
" Manang Norma. Siya ang new yaya ni Barbie?" tanong pa nito na tila di agad siya nagustohan sa paraan ng mga tingin nito.
" Yes, Sir. Si Eliana ho. H'wag kayong mag-alala, kaya niyang magbantay ng bata at mag-aalaga dahil sanay po siya." sagot naman ni Aling Norma.
"Magandang gabi po, Sir." alanganing bati naman nito sa kanya.
" Wala na akong magagawa dahil nandito ka na. Kahit hindi sana kita nagustohan. Mukhang Neneng ka pa at tila kulang ka nga sa pag-aalaga sa sarili mo, sa anak ko pa kaya? ipakita mo nalang ang the best mo, para masasabi ko'ng okay ka sa anak ko." sabi nito sa kanya.
Sa muli ay hiyang-hiya na naman siya.
"O-opo, Sir. H'wag po kayo mag-alala. Kaya ko po talaga." aniya rito na nanginginig dahil mataman siya nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
"Sige na, maupo na kayo, Manang Norma. Para maging masaya si Barbie na may mga kasama kami kumain." wika nito.
" Opo, sir." tugon naman ni Aling Norma.
Sabay naman silang naupo. Napatitig naman kay Eliana ang limang taong gulang na si Barbie.
"But Daddy, I don’t like her. Even though she’s pretty, it seems like she doesn’t even bathe regularly..." biglang sabi ng bata na di niya maiintindihan.
Muling napatingin sa kanya si Sir Bastian. Bumulong naman si Eliana kay aling Norma.
" Tiyang, English ba ang bata? patay, di ko alam kung paano mag english at di ko siya naiintindihan." mas lalong nagproblema na sabi niya kay aling Norma.
" Oo, English siya pero h'wag ka'ng mag-alala, makakaintindi naman siya ng tagalog." mahinang sabi din nito sa kanya.
" Sanayin mo mag speak English minsan. At sikapin na matuto kahit kunti." ang sabi bigla ni Sir Bastian na sa kanila na pala nakatingin ni Aling Norma lalo na sa kanya.
" Ahm, Barbie, mukhang mabait naman ang new yaya mo. Lagi naman siguro siyang naliligo araw-araw doon sa kanila kaya lang iba kasi ang klima doon kaysa dito sa atin. Hayaan mo, magustohan mo din ang new yaya mo, okay?" wika naman ni Sir Bastian sa anak nito.
" Okay po, Daddy." sagot naman nito.
Pagkatapos nilang kumain sa McDonald's ay lumabas na sila.
"Sa second floor tayo para pipili ng mga branded na damit ni Barbie. At pati ka na yaya, pipili ka na rin para sa'yo. Sabi ni Mom sa phone na may binigay siya para pambili ng mga damit mo." wika ni Sir Bastian sa kanya.
" Opo sir." sagot naman niya rito.
Pakiramdam niya tuloy na kaawa-awa talaga siya.
Si Aling Norma muna ang humawak sa bata dahil di pa ito sanay kay Eliana.
Sumakay sila ng escalator at first time niyang makasakay ng gano'n!
"Jusko, tiyang! bakit ganito ang hagdan dito? tumatakbo! grabe, ibang klase dito sa siyudad, pati hagdan tumatakbo!" di niya napigilang sabi kahit maraming nakikikinig na kasabay nila.
Nagsalubong naman ang kilay ni Sir Bastian na napatingin sa kanya at para itong naiinis sa kanya. Lihim naman siyang kinurot ni Aling Norma.
" Array!! bakit ka po, nangungurot, tiyang?" reklamo pa niya.
Narinig naman niya na nagtawanan ang ibang kasabay nila sa escalator.
Pagdating nila sa itaas ay nagpatiuna na sa kanila si Sir Bastian, sa may mga nakahanger na mamahaling mga damit pambata at pang matanda. Nakasunod naman si Eliana kina Aling Norma at sa bata. Nang malapit na sila kay Sir Bastian ay nakita ni Eliana ang isang manikin na babae at nakaupo na may magandang suot na damit.
" Magandang gabi po, ma'am." pagbibigay galang niya sa manikin na akala niya ay totoong babae talaga iyon.
Sabay napatingin sa kanya si Aling Norma at si Sir Bastian. Nagsalpukan na talaga ang mga kilay ng among lalaki na nakatingin sa kanya.
"Naku, Eliana, manikin yan! at hindi totoong babae! " tila sumasakit ang ulong wika ni Aling Norma sa kanya.