Natigil naman si Sir Bastian nang bigla nalang lumabas ang anak mula sa kinatataguan nito. Nakahinga naman ng maluwag si Eliana nang lumabas ang kanyang alaga.
" Mabuti naman at nandiyan ka lang pala, Barbie. Bakit ka ba kasi pumasok dito? nagduda talaga akong nandito ka dahil nakabukas ang pintuan kaya pumasok nalang din ako. Sorry talaga, Sir. Di ko po alam na office room niyo pala ito." aniyang nagpapaawa na naman ang mukha sa harap ng masungit na amo.
"Kung hindi mo tinuruan ng larong ganito ang anak ko ay di sana siya papasok dito para magtago. Lumabas na kayo dito dahil may gagawin pa ako dito. Barbie, lumabas na kayo ng yaya mo. At ayoko nang maglalaro kayo ng anak ko dito ng taguan malapit sa office room ko, yaya, naiintindihan mo ba?" matigas na wika ni Sir Bastian sa kanya.
" O-opo, Sir." sagot naman niyang nagbaba ng tingin.
Hindi niya kayang salubungin ang nag-aapoy na mga mata nito sa galit na nakatingin sa kanya.
"Sorry po, daddy!. Good bye po! halika na yaya, kuwentuhan mo nalang ako!" masiglang wika pa ng kanyang alaga na hindi man lang ininda ang galit ng ama nito.
___
Pagsapit ng gabi ay pinapakain na naman ni Eliana ang kanyang alaga. At siya ay kumain na rin pagkatapos niya itong pinakain. Sabay silang mga katulong sa dinning room kumain. Kapag tapos na si Sir Bastian at si madam Conchita kumain ay silang mga katulong naman agad ang papalit sa dinning room.
Nang makatapos s'yang magdinner ay sinamahan na niya ang alagang si Barbie sa kuwarto nito at kinukwentuhan ang bata para makatulog na agad.
Nasa gitna palang siya ng kanyang ikinuwento sa kanyang alaga ay nakatulog na ito. Maingat naman siyang tumayo mula sa tabi nito sa kamang kinahihigaan nito at ito'y kinumutan.
Pinayakap niya sa kanyang alaga ang malaking teddy bear nito at pagkatapos ay binuksan ang lampshade at pinatay ang switch ng ilaw sa kuwarto nito. Lumabas naman s'ya kaagad sa kuwarto ng kanyang alaga para pumasok na rin sa kuwarto nila ni aling Norma sa staff quarters ng mga katulong.
Naabutan naman niyang nagtupi pa ng mga damit nito si aling Norma.
" Oh, Eliana, nakatulog na pala ang alaga mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Opo, tiyang." sagot naman niya rito.
" Nagsumbong nga pala kanina si Sir Bastian sa akin na naabutan ka daw niya sa loob ng kanyang office. Hindi lang kita kanina kinompronta sa dinning room. Sabi ni Sir na pumasok daw Ang kanyang anak roon dahil sa taguan na larong itinuro mo sa bata at pati ka pa ay sumunod at pumasok din sa office room niya. Pati ako ay nahihiya na talaga kay Sir Bastian, Eliana. Sabi ko naman sa'yo na mag-iingat ka diba?" sabi nito sa kanya.
"Pasensya ka na talaga sa akin, tiyang. Pati ka ay nadadamay sa kahihiyan." napayukong sagot niya rito.
"Kung hindi lang talaga mabait si madam Conchita ay pinapauwi ka na talaga ni Sir Bastian. Kaya lang ay naawa lang sa'yo si madam Conchita. Hay naku, paano nalang kung papauwiin ka." muling wika nito.
"Pinagsisikapan ko naman po na di magkamali. Pero di ko talaga sinasadya na magkasala." sabi naman niya.
"Mabuti nalang at nagiging okay na ang bata sa'yo at tuloyan kanang nagustohan niya bilang yaya."
" Tiyang, nasaan ba ang Ina ng alaga ko? kawawa naman kasi kahit mayaman siya at mabili niya ang lahat na gusto niya ay wala namang Ina sa tabi. Ramdam ko kasi ang kakulangan para sa bata. Alam niyo naman po na lumaki din akong walang ama kaya walang pinag aralan dahil pumayag lang si Inay na manirahan kami sa halos tuktok na ng bundok. Ngayon ko naisip na kahit mahirap man o mayaman pero may kulang parin talaga kapag di kumpleto amg mga magulang mo." mahabang wika niya kay aling Norma.
"Sumama sa ibang lalaki si Ma'am Faye. Ilang araw ding naglasing si Sir Bastian dahil sa ginawa ng kanyang asawa. At nagfile pa ito ng annulment. Sobrang nasasaktan si Sir Bastian sa ginawa ng asawa niya. Mahal na mahal pa naman niya si Ma'am Faye. Halos di matanggap ni Sir ang ginawa ni Ma'am Faye noong una. Mabuti nalang ngayon ay medyo okay na si Sir. Pero minsan, mapansin mo parin si Sir na malungkot." ang sabi sa kanya ni aling Norma.
"Naku, kawawa naman pala si Sir Bastian. Kaya pala masungit siya. At pinaka kawawa ang alaga ko, si Barbie." tugon naman niya.
"Oo nga, Eliana. Pero parang nasanay na rin ang bata na di na nila kasama ang kanyang ina. Mag isang taon na rin na wala dito si Ma'am Faye. Nakahinga naman kami ng maluwag nang mawala yun dito dahil ang samà ng ugali ng asawa ni Sir Bastian." sabi naman Aling Norma.
" Ayy gano'n po ba." wika naman niya.
"Oo, Eliana. Sige na, magpahinga ka na, tatapusin ko lang ito at matutulog na rin ako." anitong nagmamadali nang tinapos ang ginagawa.
"Opo, tiyang. Matulog na ako." tugon naman niya rito.
Habang tulog si Eliana ay dinalaw na naman siya ng kanyang magandang panaginip na lagi niyang napanaginipan kahit doon palang sa bundok...
Unti-unti siyang pumasok sa loob ng malaking bahay na tila mala-palasyo ang dating. Namangha siya sa kanyang nakita at idagdag pa ang mga mamahaling antique na kagamitan at mala ginto na kagamitan!
" Wow! ano po dito?" napangangang tanong niya.
Nakita naman niya ang magandang upuang mamahalin! nagmamadali naman siyang lumapit at hinaplos-haplos niya iyon at napakaganda ng upuang iyon! umupo siya roon at sumandal. Napakaganda ng kanyang pakiramdam habang nakasandal roon.
Maganda na sana ang takbo ng kanyang panaginip nang bigla nalang siyang nagising.
"Naku, nanaginip na naman ako ng gano'n." aniyang napabangon.
Sa muli ay napanaginipan na naman niya ang magandang panaginip. Ang panaginip na iyon ay pabalik-balik lang mula pa noon. Hindi n'ya alam kung ano ang ibig sabihin.
___
Mabilis lang dumating ang isang buwan ni Eliana sa mga Delgado at medyo pumuti na siya sa loob ng isang buwan at nagkakalaman na rin siya.
" Eliana, napansin ko ang mga mata mo ngayong medyo pumuti ka na." sabi ni Aling Norma nang nasa loob palang siya ng kuwarto nila.
Di pa sila nakalabas para sa kanilang mga trabaho.
" Ano po ang ipinagtataka niyo, tiyang?" nagtataka namang tanong niya.
" Ang mga mata mo kasi ay parang... parang medyo blue. At ang bilis mo ring pumuti." ang sabi nito sa kanya.
" Talaga po? napansin niyo po pala, tiyang? matagal na pong may mga pumupuna sa akin sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit." ang sagot naman niya.
"Para kang.. para kang.. may lahi ng taga ibang bansa." Ani aling Norma sa kanya.
Natigilan naman siya at saka natawa.
"Baka lahing taga bundok po." nakangiting wika pa n'ya.
" Hindi ako nagbibiro, Eliana, pati pilik mata mo ay malalantik din ito. Nagiging attractive kasi ang mga mata mo nang pumuti ka
ngayon." ang giit pa nito.
"Gano'n po ba, tiyang? marami naman talaga nagsasabi doon sa amin na maganda daw ako kaya lang madungis. Paanong di maging madungis, wala naman kasi akong tamng damit doon at sabon labada lang po ang gamit sa katawan." malungkot na wika niya.
" Kaya nga na mas mabuting makapagtrabaho ka din dito sa siyudad. Siya nga pala, parang isang buwan ka na ngayon ah. Kung di Ako nagkamali, petsa 13 tayo dumating noong nakaraang buwan at ngayon ay 13 na. Sahod mo na ngayon, Eliana." nakangiting wika nito sa kanya na nang maalala na sahod na pala niya sa araw na iyon.
"Talaga po!? pero hintayin ko nalang si Sir kung sasahudan niya ba ako ngayon, tiyang." aniya rito.
Nagtungo na siya sa kusina dilang dalawa ni Aling Norma. Habang nag-init siya ng sandwich sa oven ay nabigla nalang siya nang may magsalita sa kanilang likuran ni Aling Norma. At si Sir Bastian iyon.
"First salary mo pala ngayon, Yaya Eliana." anang tinig ni Sir Bastian mula sa kanilang likuran.
Paglingon naman niya rito ay bagong ligo ito. Napaka fresh ng amoy nito at hitsura na mas lalo pa itong gumwapo. Hindi naman niya naintindihan ang sinasabi nito na First Salary daw niya.
" Good morning po, Manang Norma, kape please." sabi pa nito.
"Good morning din po, Sir. Okay po, sandali lang." ang tugon agad ni aling Norma.
"Good morning din po, sir. A-anong first salary? at ano pong ibibigay niyo sa akin, sir?" nagugulohan pa niyang tanong rito.
Bigla na namang nalukot ang noo nito sa kanyang sinabi.
"Ang aga pa, yaya, para mainis ako. Kahit salary ay di mo maintindihan?" sagot nito sa kanya habang nakatingin sa kanya.
" Ano ka ba naman, Eliana. Sabi ni Sir, First salary mo daw ngayon, ibig sabihin unang sahod mo. Yan ang sabi ko sa'yo kanina.
" Ayy halah. Sahod pala, Sir? salary pala yan sa English? tatandaan ko po 'yan. H'wag kayong mag-alala sir, malapit na akong makakapagsalita ng English dahil tinandaan ko po ang mga English ng alaga ko. Desidido din po akong matuto. May kunting nalalaman na nga ako." sabi niya rito.
"Mabuti naman kung gano'n, yaya Eliana." wika nito na nakatingin parin sa kanya. Tila pa siya napapaso nang magtama ang mga mata nila ni Sir Bastian.
"Yes, Sir. May kunting nalalaman na ako." ang sabi pa niya rito.
"That's good, yaya." tugon nito na di parin hinihiwalay ang mga tingin nito sa kanyang mga mata.
Nagbaba nalang siya ng tingin habang nagtimpla na naman ng gatas para sa kanyang alaga.
"Dadalhin mo na yang breakfast sa anak ko. At bumalik ka agad dito. Sasahuran kita agad." utos nito sa kanya.
"Oh sige po, Sir. Salamat po." aniyang binitbit na ang tray at umalis.
Ewan ba niya para siyang naiilang sa mga tingin ni Sir Bastian sa kanya ng umagang iyon