Nagtataka nalang bang kanyang secretary kung bakit lagi niyang pinagmasdan ang pahayagan na mukha ng magandang babaeng anak ni Mr. Welhim Ellison. Mga apat na araw pa matapos ang forum, nagpasiyahan si Eliana na bisitahin ang bagong bukas na "Art & Nature Gallery" sa Fort Bonifacio — isang lugar na inisponsor ng Ellison Group para sa mga lokal na artista. Excited pa siyang makapunta roon at gamit niya ang kanyang mamahaling sasakyan. Nakasuot siya ng kulay abong blazer at puting pantalon na may hawak na designer bag. At ang buhok niya’y maayos na naka pony tail. At nang nandon na siya ay naglalakad siya sa pagitan ng mga larawan at pinagmamasdan ang mga iyon. Narinig niya ang isang yabag sa kanyang likuran ngunit di niya iyon nilingon dahil alam naman niyang isa din iyon sa mga bumibi

