"Jusko, bilisan mo, tiyang! nadulas si Ma'am!" nataranta pa niyang sabi kay Aling Norma. " Arayy ko, ang sakit." impit na wika ni Ma'am Faye. Nagmamadali namang nilapitan ni Aling Norma ang asawa ni Sir Bastian at tinulongan itong makatayo. Nang makita ni Ma'am Faye ang balat ng saging na naapakan nito dahilan kung bakit ito nadulas ay galit na galit ito. "Lint*k!!! bakit may balat ng saging dito, Manang Norma!?" galit na galit nitong asik sa katulong pagkatapos itong pinatayo ni Aling Norma. "Pasensya ka na talaga, ma'am. Hindi namin alam kung bakit may balat ng saging dito sa daanan." nakangiwing sagot naman ni Aling Norma. Mabuti nalang at hindi nito napansin na may balat ng saging na bigla nalang hinagis sa kanyang paanan habang naglalakad. Nakataas-noo kasi ito habang n

