Chapter 20

1528 Words
"Momma wake up!!! Breakfast is served na! " pag gising sakin ni Braxxton habang hinahalikan ang mukha ko. Aww ang sweet talaga ng anak ko. "Good Morning baby" I greeted him and kiss him on the cheek. "Good Morning too Momma " Bumangon na kaagad ako saka nag ayos ng sarili bago bumaba. Plano namin ni Cohen na ilipat na sa condo ko ang mga gamit namin ng anak ko. Ayaw ko naman kasi magtagal dito dahil sobrang daming abala na ang ginawa ko kay Cohen at Brianna. Nag aalmusal na sila ng makarating kami ni Braxxton sa dining wala na ang mga lalaki dahil may mga meetings daw ito tungkol sa project kung saan silang lahat ay nag invest. "Good Morning baby boy!!! " bati sa kanya ni Tita ngumiti lang ang anak ko bago umupo sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Brielle. " Good Morning " bati ko sa kanilang lahat bumati din naman sila. i smiled at everyone pero ng matuon ang tingin ko kay Brielle ay kaagad na nawala ang ngiti ko sa labi. Nang matapos kaming mag almusal ay inayos ko na agad ang mga gamit namin ni Braxxton. Susunduin kami ni Cohen after ng meeting nila, hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na secretary pa din daw ako ni Brion at nagladala pa talaga ng gawain ang bruho na yun through email. Bwisit. "Momma when are we going to meet Daddy? " bigla akong napatigil sa pag aayos ng magtanong si Braxxton. Oo nga pala kailangan ko palang gumawa ng paraan para magkita na sila. But not this time I'm still looking for a right time. Ngumiti ako sa kanya "Soon baby but for now you need to focus on your studies and always follow Momma okay? " "Okay po. " ginulo ko ng bahagya ang buhok niya na ikina sama ng mukha nito. Parehas talaga kayo ng ama mo ayaw magpahawak ng buhok. Nakarinig kami ng busina mula sa labas kaya mabilis n tinungo iyon ni Braxxton, close na talaga sila ni Cohen. Binuhat ko na din ang isang maleta naming gamit. "Hey there beautiful! " Inirapan ko lang siya "Beautiful mo mukha mo! " Dinaanan muna namin si Brianna bago kami dumiretso sa condo na tinutuluyan ko medyo malapit din yun sa kompanya ni Brion kung sakali ngang hindi pa ako nakaresign. Nang makarating kami ng condo ay kinausap ko muna si Brianna kung anong nangyari sa resignation letter ko bakit hindi ito natanggap ni Brion. "I don't know either. Binigay ko yun kay Blaire ng hindi ko maabutan si kuya sa bahay" Si Brianna. "So hindi nabigay ni Blaire ang Resignation letter ko. Pero bakit siya ang naging substitute ko kung ganun? " "Who knows? Simula umalis ka ay wala na din naman akong alam sa ginagawa ni Kuya at ni Blaire " "K-kamusta na pala si Brion? " Tinaasan niya ako ng kilay "He's fine. I guess? " "I mean yung mag ina niya! " Naguguluhan niya akong tiningnan "You're fine right? " tumango naman ako. "Then his mag ina is fine" Medyo natawa ako sa mag ina niya na ikinasama ng mukha nito. "Ang ibig kung sabihin ay yung fiancé niya at ang bata! "Ohhh! " sabi niya na para bang may naalala bigla. "They're fine also" Gusto ko pa sanang itanong kung magkasama pa ba sila ng babae pero baka kung anong isipin ng bruha na to. "When are you going to tell kuya that you have a son? " "Di ko pa alam naghahanap pa ako ng tiyempo. May takot pa din kasi ako kaya di ko pa magawang sabibin sa kuya mo" She nodded. "I understand pero wag mong kalimutan na pwedeng makilala ni kuya si Braxxton lalo na't malapit na kayo sa kanya" Isa din yun sa kinakatakutan ko dahil babalik nanaman ako bilang sekretarya ni Brion hindi talaga malabong magkita ang dalawa. I hope I can explain everything to him bago pa sila magkita. "Anyways let's go inside baka nauna ng kumain ang dalawa alam mo naman ang Cohen na yun walang tinatanggihang pagkain! " natatawa niyang sabi. Di nga kami nagkamali kumakain na ang dalawa ng makabalik kami sa loob. Punong puno pa ang bibig ni Braxxton pero may hawak na itong dalawang pizza sa magkabilang kamay. My baby and his pizza. "Oh! Kumain na kayo baka maubusan kayo ng batang to !" aya ni Cohen samin ng makitang palapit na kami sa kanila. "Baby kailangan nating mag enroll tomorrow. You will continue your studies here, diba you want to see Daddy na kaya dito muna tayo " sabi ko sa anak ko. "No problem Momma! I can't wait to meet daddy na po! Is he that busy? Wala na po kasing time si Daddy satin"naging malungkot bigla ang mukha ng anak ko kaya niyakap ko ito. "Daddy needs to work hard baby for us, panu ang school mo kung hindi mag wowork si Daddy? " "Panu po pag may gustong umagaw sayo sa Daddy ko? Ibig sabihin po ba nun di na po tayo mag sasama sama nila daddy? " "Of course not Anak! Wala namang bad guys na gustong kunin si Momma kaya rest assured that I wont leave you and Daddy" "Let's make a promise Momma! When Daddy comes home I won't let him leave again Momma! I saw how sad you are when you're alone, maybe you missed daddy already " nagulat naman ako sa sinabi ng anak ko. Mukhang matagal niya na akong inoobserbahan ah! "That's right kiddo! Miss na miss na ng Mama mo ang Daddy mo so... When you meet your Dad don't let him go again. Alam mo ba kung ganu kapanget umiyak Mama mo nung umalis siya sa Daddy mo? Kung di ko lang kaibigan to matagal ko na tong binalibag dahil sobrang panget umiyak. " mabilis kong binato ng table napkin si Cohen na nakangisi sakin samantalang si Brianna naman ay natatawa lang samin. Matapos naming kumain ay pinaglaro ko muna si Braxxton kasama si Cohen sa living room habang abala kami nu Brianna sa pag aayos. Ang laki ng utang na loob ko talaga sa dalawang to. Nung umalis ako ng bansa Cohen help me with everything , kahit sobrang dami niyang trabaho sa opisina binibigay niya ang mga cravings ko nung nagbubuntis ako kaya kahit anong panget ng mukha mg bruho na to mahal ko pa din to. He's like an older brother to me. Si Brianna naman ang naging Ob gyn ko halos buwan buwan siyang napunta ng London para sa monthly check up niya minsan ay dinala niya na din sila Tita at Tito dun nung nag pa ultra sound ako. "Hoy! Ang lalim ng iniisip mo kanina pa kita tinatanong " sabi ni Brianna na nasa tabi ko pala. "May naalala lang ako! " "Spell the tea! Para naman di tayo tahimik habang naglilinis" Marites amp. "Naisip ko lang ang dami niyo ng natulong sakin. Cohen help me to escape from everything and you help me with my pregnancy. I owe you a lot" She smiled at me. "Ano ka ba pamangkin ko ang dinadala mo at isa pa kaibigan kita at kaibigan ka rin ni Cohen kaya kahit anong hirap o problema you can always count on us" "Thank You sa lahat lahat Bana " niyakap niya ako at saka tumawa ng malakas. "Nag mature ka talaga simula ng mabuntis ka! Sperm lang pala ni Kuya magpapamature sayo sana dati pa kitang pinadiligan sa kanya! " aniya habang tumatawa. "Kabagin ka sanang piste ka! " seryoso na ang usapan hinahaluan pa ng kaberdehan! Tawa pa din siya ng tawa kaya iniwan ko na siya dun sa kusina at pumunta ng kwarto para isalansan ang mga gamit namin. Inayos ko muna ang mga personal necessities ko na nilagay ko sa lamesa. "By the way it's Mom's birthday this Sunday and she said you must come" Kahit naman ayaw kong pumunta paniguradong may ipapadala dito si Tita para sunduin kami. Kulang na nga lang tumira kami sa bahay nila pero dahil hindi ako pumayag walang nagawa Si Tita kundi antayin ang araw pagnagkakilala na ang mag ama ko. "Sige baka bukas bibili na ako ng regalo namin para sa kanya" "No need Kae! Mom said kontento na daw siya pag pumunta kayo" "Pero nakakahiya pa din na dumalo ng party ng walang dala" " Bahala ka pero sabay na tayo pag bumili ka para makabili din ako ng gifts for Mom" Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag aayos ng mga gamit, si Brianna naman ay may kinakalkal sa maleta. "Hoy!!! Bruha ka talaga!!! Hahahahaha bakit may magazine ka ni kuya?!" itinaas niya pa ang magazine na nakuha niya ata sa maleta ka. Piste bakit nandito yan?! "Akin na yan kakalbuhin kitang gaga ka! " pilit kong inaabot ang magazine pero mabilis na tumayo si Brianna at tumakbo palabas ng kwarto habang tumatawa. Nabaliw na ata yun si Cohen ba naman kasama niya araw araw paniguradong mahahawaan ka ng kabaliwan ng isang yun. Mamaya ka saking bruha ka! Pagkatapos kong magligpit ay humaga muna ako sa kama at di namalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD