Maaga akong nag ayos ng sarili at hinanda lahat ng kakailanganin ng anak ko. Hinatid ko na din ito sa school bago dumiretso sa kompanya. "Susunduin na lang kita mamaya anak ha? Be good and listen to your teacher" "Yes Momma take care po" mabilis na hinalikan ko siya pisngi bago tuluyang nagpaalam sa anak ko. Dumiretso na ako sa opisina ni Brion ng marating ko ang kompanya di ko kasi makita ang lamesa ko sa labas. Naabutan ko naman siyang abala sa mga papel sa lamesa niya at nahagip din ng panigin ko ang lamesang nasa may gilid malapit sa pinto. "Encode this data nd send it to my mail I need this before 10" salubong niya sakin ng makitang pumasok ako ng opisina. Tumikim ako " Where's my working table boss? " "Behind you, anyway how's your son? " si Brion. "Ahmm... Ayos

