I spend my whole afternoon answering some emails from our investors, minsan may mga iniuutos si boss pero madali lang naman kaya nagagawa ko agad. Simpleng pagkuha ng mga abobot niya inuutos niya pa sakin.
I checked my watch and it's 12 in the afternoon mabilisan kong inayos ang mga gamit ko sa table saka bumaba para ikuha ng pagkain ang tamad na yun. Di naman ito mapili sa pagkain kung ano ang nilalagay ko sa plate niya ay kinakain ni boss.
Lagyan ko kaya ng lason para mabawasan na ang mga gagu sa mundo.
Sa taas na lang din siguro ako kakain parang ang baho ng mga pagkain sa baba eh! Parang mga panis na ewan. After grabbing our food ay bumalik na ulit ako sa office iniwan ko muna pagkain ko sa lamesa bago ihatid ang kay boss.
"Lunch time boss"ani ko saka inilpaga sa lamesa niya ang pagkain pero bakit parang ang baho niya?!
Lumapit ako onti para maamoy kung ang pagkain ba ang naamoy o si Boss talaga. Mukhang di niya naman napansin kaya mas lumapit ako onting onti sa coat na halos sumuka ako sa baho ng naamoy ko!!!!
"What the hell are you doing Kaelie?! " nagtataka niyang tanong.
My face distorted because of his smell.
"You smell awful boss panu ka nakakapag meeting ng ganyan ang lagay? Sobrang bantot mo! " nakatakip ang ilong ko habang sinasabi iyon.
His jaw dropped because of what I just said. Totoo namang mabaho talaga siya alangan namang sabihin kong ang bango where in fact na sobrang bantot niya naman talaga.
His jaw clenched before standing and towering me " What did you just say Ms. Tinsley? " mas lalo naman sumama ng mukha ko dahil sa sobrang lapit niya amoy na amoy ko siya.
Humakbang ako paatras para naman makahinga ako konti pero agad din siyang humakbang palapit sakin. May balak ba siyang patayin ako sa sobrang baho niya?!
"Wag ka ngang lumapit boss ang baho mo talaga sa true lang! " Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya saka inamoy ang sarili at tumingin ng napaka sama sakin.
"The hell with your nose? I smell like perfume anong problema ng ilong mo at sinasabihan mo akong mabaho?! " he said while fixing his coat.
"Malay ko boss basta sobrang baho mo! " sabi ko at kibit balikat pa bago lumabas ng opisina na hawak pa din ang ilong ko.
Narinig ko pa ang ilang mura niya pero natawa lang ako mabaho naman talaga siya ei para siyang amoy ewan basta sobrang baho niya.
Bumalik ako sa table ko at pinagpatuloy ang trabahong naiwan ko kanina. Nakaramdam ako ng antok at gutom pero mas nanaig ang antok kaya pinili ko na lang ang matulog kahit saglit lang.
Nakaunan ang ulo ko sa mga braso kong nakapatong sa mesa ko at natulog. I feel relax ng naka pikit na ako bahala na kung makita man ako ni boss na natutulog.
"Uhmmmm..... " I groaned when I feel someone shaking my left shoulder.
Tumalikod ako at humarap sa kanan pero di pa rin tumigil ang kumag na istorbo sa tulog ko. Piste sino ba kasing gagung istorbo na to?!
"What do you want?! " asik ko habang nakapikit pa din ang mata.
Wait.... The smell stinks!!!! Napahawak ako sa bibig at ilong ko dahil sa baho ng naamoy ko.
Masamang tingin ang tinapon ko sa taong nasa harap ko pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Boss na naka cross arm at seryosong nakatingin sakin. Mahabaging Emre sana naman wala akong panes na laway sa gilid ng labi ko.
"B-boss" bobo mo Kaelie nabulol ka pa sa harap niya!
"Done sleeping during working hours? " he asked. Tumango naman ako bilang sagot.
"You didn't eat your lunch ?" tanong niya habang naka tingin sa tray ng pagkain na nasa gilid ng lamesa ko.
Obvious ba??
Tumango ulit ako dahil halata namang di pa ako kumakain. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Eat your lunch now and prepare the conference room after you ate" aniya.
May meeting siya? Bakit di ko alam? Alam ko kailangan niya lang i review ang mga papers na pinasa ko sa kanya.
Inuna kong inayos ang conference room estimated twenty persons daw ang dadating kaya hinanda ko na din ang benteng upuan. Sino naman kaya ang kameeting ng isang to?
Pagkatapos ko mag ayos ng conference room ay bumalik ako sa upuan para kumain ng lunch ko kanina. It's looks so delicious pero ng malasahan ko ang cordon bleu bigla nalang bumaliktad ang tiyan ko.
Mabilisan kong tinungo ang banyo at dun dumuwal ng kinain ko. Sayang naman favorite ko pa naman ang cordon bleu na yan sinuka ko lang. I pout.
Naghilamos ako ng maging maayos na ang lagay ng tiyan ko. Di na ako nag lagay ng make up dahil wala din naman akong pupuntahan maliban sa working table ko at isa pa maganda naman ako kahit walang make up.
Nang pabalik na ako sa lamesa ko may nakita akong babaeng nakatayo sa harap ng table ko as if she's waiting for me. She smiled when she saw me approaching.
"Good Afternoon Ma'am how can I help you? " tanong ko sa kanya.
"Ah.. I'm looking for Brions office Ms. " aniya habang nakangiti sakin.
"Do you have any appointments with him Ma'am? " tanong ko sa kanya dahil mukhang ito ang unang beses na nakita kong pagala gala ang isang to sa kompanya.
"Just tell him Titiana is here " nakangiti niya pa ring ani.
Tumango lang ako saka tinawagan si boss para sabihin na andito ang babaeng to. Nahuli ko din siyang pinasadahan ako ng tingin ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay nag iwas ito ng tingin.
" Boss Ms. Titiana is here and She's looking for you" ani ko pero walang sumagot sa kabilang linya.
"Tell him his fiancé is here" di ko alam pero kailangan talaga diinan ang salitang Fiancé ?
"Boss your fiancé is here and she's looking for you " sabi ko ulit.
"Tell her she may come in" pagtapos sabihin nun ay binabaan ako ng telepono ng magaling kong boss. Buset!
"You may come in Ma'am " tinuro ko pa sa kanya ang pinto ng opisina ni Brion.
Nakangiti naman itong nagpaalam sakin saka tinungo ang pintong tinuro ko. Di ko alam basta na lang akong nairita sa mukha ng babaeng yun. Sobrang ikli ng damit parang kinulang sa tela ampota.
Panu pumayag si Brion na maging Fiancé niya yun di hamak na mas maganda naman ako sa kanya. Well malaki dibdib niya kesa sakin pero malaki din naman ang akin I mean sakto lang basta may cleavage din ako. Baka nga hindi pa natural ang dibdib nung babaeng yun Eh!
Maputi siya pero maputi din naman ako. She has that heart shaped face mukhang maamo ang mukha pero mukha ding malandi ganun. It's my first time na maging insecure sa itsura ko dahil sa isang babae. I'm beautiful too. I love my kissable lips na hindi na virgin dahil kinain na to ni Brion nung nalasing kami. I have shape too hindi nga lang masyadong halata but I'm contented with what I have. Piste bakit ko ba kinokompara ang sarili ko sa kanya?!
Inis kong kinuha ang mga papeles na napirmahan na ni Boss at pinamigay iyon sa mga head ng bawat department. Yung iba nag abot pa ng mga bagong pipirmahan as soon as possible.
"Boss may dapat kang pirmaha- Ayyy PORN! " sigaw ko at tinakpan ang mga mata gamit ang mga papeles na dala ko. Pakeo ka talaga Brion sobrang Pakeo mo!!!!!!
Tangina di man lang magpigil sa opisina pa talaga ginawa ang kababoyan nila. Now I know kung bakit sobrang ikli ng suot ng bruha para madali palang maangat ng boss ko ang damit niya. Nakapatong pa siya sa harapan ng maharot kong boss at sarap na sarap naman itong sinusubo ang dalawang dibdib nito.
"Don't you know how to knock?!!! " sigaw ni Boss ng makapag ayos na sila ng sarili.
"I knocked pero di niyo narinig dahil busy kayo maglampungan! Ito oh papeles na kailangan mo daw pirmahan sabi ng engineering department " inilapag ko kaagad ang mga papeles sa lamesang malapit sa kinakatayuan ko saka mabilis na lumabas sa opisinang yun.
Nakatingin ang ibang employee ng lumabas ako sa office narinig siguro nila ang pagsigaw namin ni Brion. Bwisit na babae na yun ang lakas ng loob niyang ngumit ngiti sakin isa pang ngiti niya bibigwasan ko siya at sisiguraduhin kong bungi ang bruha na yun.
Dumiretso ako sa banyo dahil parang babagsak na ang nagbabadya kong luha. Tangina mo Brion lagi na lang sakit ang nararamdaman ko sayo. Inis kong pinunasan ang mga luha ko pero may panibago nanamang tumutulo. Bakit ba ang iyakin ko these days dati naman hindi ako ganto ka emo buset na Brion yun makakaganti din ako sayo.
Ilang minuto pa akong tumambay sa loob ng banyo dahil inis pa din ako sa dalawang higad na yun. May karapatan din naman akong magalit diba? I mean it's against the proper etiquette ng company. They could do that when they're in the hotel or i their own house wag sa opisina!
Hindi pa sana ako lalabas kung hindi lang nag text sakin si Brielle para sabihin na nandito daw sila sa kompanya dahil tutugtog kami sa kasal nila Brion. Bakit kailangan maging masakit ang bawat beses na binabangit kong ikakasal na si Brion at hindi sakin. Parang may kung anong kumikirot sa puso ko knowing na may iba ng magdadala ng anak at apelyido niya in the future na matagal ko ng pinapangarap.
Nakita ko agad ang mga kaibigan ko sa harap ng lamesa ko maybe they knew something kaya nandiyan ang tatlong yan. When they saw me approaching kaagad naman sila nagsilapitan.
"Saan ka galing kanina pa kami dito " kaagad na reklamo ni Brielle.
" Galing akong C. R sumakit kasi tiyan ko" pagsisinungaling ko pa sa kanila.
Pinaupo ko muna sila sa loob ng conference room habang nag aantay para sa iba. So this meeting is for their upcoming wedding huh.
Isa isang nagsidatingan ang mga tao at puro yun kaibigan ni Boss halata naman ang dalawa kong kaibigan na sabay umirap ng makita ang mga bagong dating. I smell something fishy here. Sino naman sa mga to ang pumupurma sa dalawa?
"Kaelieeeeee!!!! " halos mabingi ako sa sigaw ni Briana ng pumasok siya so room.
Kasunod niyang pumasok ang mga magulang niya at si Blaire na kambal nito. Ngumiti lang ako sa kanila ng tumingin sila sa gawi ko. Si Blaire naman ay hindi makatingin sakin dahil siguro sa kasalanan niya sakin.
"Kamusta? Di ka man lang nag rereply sa mga messages ko! " tila nagtatampong na sabi ni Briana.
"I'm busy kasi this past few days kaya di ako nakareply" i reasoned out.
She pouted at nag kwento pa ng kung ano ano di ko alam parang nababanas ako sa boses niya. Kahit sa amoy ng room nahihilo din ako. Pasimple kong tinakpan ang ilong ko dahil nakaramdam na talaga ako ng pagkahilo.
"Hoy! Ayos ka lang ba? " tanong ni Briana at inalog pa ako kaya mas lalo akong nahilo.
Tumango lang ako at nagpunas ng pawis kong namumuo sa noo ko. Damn! Utang na loob Kaelie wag ka naman sanag mahimatay bigla dito!
Napansin ko ang pagsulyap sakin ni Blaire mukhang gusto din magtanong pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Yumuko lang siya at inabala ang sarili sa phone.
"Seryoso Kae ayos ka lang ba talaga? " tanong ni Briana na halatang nag aalala sakin.
Tumango ako " I'm fine Briana anong oras ba dadating ang kuya mo? Dapat kanina pa nag start ang meeting ei"
Sasagot pa sana siya ng biglang pumasok sa loob ang dalawang maharot. Nakadikit pa ang babae na yun kay boss para naman tatakbo si Brion sa kanya. Nyeta ang sagwa nilang tingnan. Napangiwi ako ng umupo sila sa harap ko, mukhang nakita ata ni Titiana ang pagngiwi ko dahil ang sama ng pagtingin niya sakin.
Tinaasan niya ako ng kilay saka isinampay ang mga braso kay boss.
Tumikhim si boss " Let's start this meeting " aniya saka pinalibot ang tingin saming lahat at ng tumapat ang mata niya sakin ay inirapan ko siya halatang nagulat naman siya sa ginawa ko. Pakeo ka sagad!