Halos mabingi na ako sa ingay ng bar sa sobrang dami ng tao nag short din ng bilang ang mga waiter kaya kami na ang sumama sa pag serve pagkatapos naming tumugtog. They were constantly asking me if I'm okay dahil baka daw bigla na lang akong mahilo o kaya masuka but I'm perfectly fine!
They are all over reacting di rin nakaligtas sa tenga ni Ate Sheila ang nangyayari sakin at parehas din ang naiisip niya sa naiisip nila Brielle. Di ko tuloy maiwasan ang kabahan what if buntis nga ako?
Walang tatayong Daddy para sa anak ko dahil ikakasal na din si Brion. Oh no! I will do everything for my baby I can be his Mom and Dad and I would be enough for him. But it would hurt him knowing na may ibang family ang daddy niya. It's fine I'm not preggy anyway.
"Kae ikaw na kumuha ng order dun sa may gilid yung nasa couch! " sigaw sakin ni Haisley kaming tatlo lang ang tumutulong dahil schedule ni Brielle ngayon para sa solo niya.
I nodded at her bago pumunta sa tinuro niyang couch and get their order. I don't mind their stare baka mapa away lang ako wala sa oras pag pinatulan ko sila.
" Two tequila Beautiful " nakangising ani ng isa. He looks like eww! Kala mo naman bagay sa kanya ang pag ngisi ngisi niya mukha nga soyang rapist eh!
"Is that all? " I asked.
"I want to order you beautiful " dagdag pa ng isa sa kanila.
"I'm sorry but I'm not in the menu" bobo ba siya mukha ba akong nasa listahan ng mga order?!
"Too bad " di ko na sila pinansin at kinuha ko na lang ang tequila sa counter bago bumalik sa table nila mukhang nakamasid sila sa bawat galaw ko dahil nahuli ko silang nakatingin sakin ng humarap ako.
Pervert!
"Here's your order Sir " ani ko saka nilapag ang mga alak. Akmang aalis na ako ng maramdaman ko ang paghawak ng isa sa legs ko kaya hinarap ko siay at sinampal ng napaka lakas.
"PERVERT!!! " sigaw ko sa mukha niya at pinagpalalo siya.
" Pa hard to get ka pa! Magkano ba gusto mo?! " galit niyang tanong sakin ng mahuli niya ang mga kamay kong pumapalo sa kanya.
The f**k? Magkano daw?!
Do I look like a scort girl?!
"Bobo! Mukha ba akong prosti?! " galit ko ding sigaw sa kanya bago ko siya sampalin ng napaka lakas.
Shit! Ang sakit sa kamay ang tigas ng mukha ng gagong to ah!
"Gago to ah! Sakit manampal hawakan niyo! Punyeta kanina pa ako nagpipigil dito sa babaeng to" inis niyang sigaw sa mga kasana niya kaya nagsikilos agad ang to at lumapit sakin.
I immediately grab the bottle and throw it sa kanila. Nasapol naman ang manyak na humawak sakin kaya mas lalo siyang nagalit. The hell I care!
Napansin ata ng mga tao ang gulo kaya lahat ng attention nila nasa amin some of them were murmuring something but I don't give a s**t to it.
Di ko namalayan ang palapit niya sakin kaya natulak niya ako paupo sa couch! Akmang lalapit na siya sakin ng may biglang humila dito at sumapak kaya napa upo ito sa sahig.
Mukhang wasak ata panga ng gagu dahil sa lakas ng pagkakasapak. Di pa nakaka tayo si Pervert ng bigla nanaman siyang sapakin ni Brion di ko alam kung kelan siya dumating basta namalayan ko na lang ang pagsapak niya sa manyak na yun.
"What's happening here??? " galit na tanong ni Manager Ryei.
"Kaelie!! " sigaw ng tatlo kong kaibigan habang nagmamadaling lumapit samin kaso nauna si Brion sa paglapit sa tabi ko.
Medyo nahilo ako sa pagtulak kanina kaya napahawak ako sa sintido ko. I sense him looking at me kaya napatingin ako sa katabi ko na nakatitig nga sakin na para bang pinag aralan ang iniisip ko.
"Are you okay Ms. Tinsley? " napangiwi ako sa paraan ng pagtatanong niya kailangan talaga formal ang pag tawag sakin? Wala naman ako sa trabaho bakit Ms. Tinsley pa din tawag nito sakin?!
"Yes bos-" di ko pa natatapos ang pagsasalita ko ng tuluyan ng dumilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan na naririnig ko. Dahan dahan kong dinilat ang mata and five pairs of eyes ang sumalubong sakin.
Sabay sabay na lumapit sakin sina Ate Sheila at ang tatlong chismosa kong kaibigan naiwan naman sa couch sina Manager Ryei at si Boss. Nandito pa siya? Did he catch me when I fainted a while ago? Siya lang naman ang katabi ko kanina bago ako nahimatay.
"How are you feeling Kae? " bakas sa mukha ni ate Shei ang pag aalala habang nakatunghay sakin.
"I'm fine ate nahilo lang talaga ako kanina sa lakas ng pagtulak ng gagung yun sakin" sagot ko sa kanya.
Speaking of gagu nasan na yun?!
"Wala bang masakit sayo? Are you hungry na ba? May gusto ka bang kainin? O kaya may gusto ka bang inumin ano? " dere deretsong tanong ni Haisley sakin.
I can't stop myself from laughing dahil sa itsura nito. Sumama naman ang mukha nito ng makitang natatawa ako sa kanya.
"What's so funny Kaelie?! " she hissed kaya mas lalo akong natawa di ko alam I find it cute pag naaasar si Haisley lalo na pag ako ang nang aasar sa kanya.
"You're too cute Hais" sabi ko saka pinisil ang pisngi niya.
They all just stare at me in awe para bang may sinabi akong Nakakagulat.
"What?! " naiinis na ako sa mga tingin nila di ko alam kung bakit basta naiinis lang ako.
"Don't tell me na..... " sabay sabay pa nilang sabi na halos ikasira ng tenga ko.
" Can you stop shouting at the same time my ears hurt because of your ugly voice! " inis kong sabi saka dumikit kay Haisley at pinagkukurot ang pisngin nito habang nakangiwi siya sakin.
"Oh boy wag sana maging Kamukha ng demonyitang Haisley ang bata" dinig kong bulong ni Brielle kaya sinamaan namin siya ng tingin ni Haisley.
She just rolled her eyes and shrugged her shoulder. Bwisit mahanginan sana mata mo at di na bumalik sa dati.
Ilang oras pa kaming nag kwentuhan about so many things, Napag usapan na din namin ang pagpapakasal nila Manager at Ate Sheila. She even invite us to play in their wedding day at kinuha niya din kaming Maid of Honor we can't say no kaya ayun apat kaming Maid of Honor.
After so many talkings napagpasyanhan na din naming umuwi its my last day sa leave at papasok na ako sa monday! I need to prepare myself for so many works na nag aantay sa working table ko.
"Una na kami Manager! Bye ate Shei! " we bid them goodbye nauna ng umuwi si Brion kanina nagpaalam kay Manager nung nag uusap ata sila.
"Anong drama mo kanina Kaelie ha? May pahimatay himatay ka pa porket na sa tabi mo pinsan ko! " I just rolled my eyes at her.
"Ikaw kaya itulak ng napakalakas di ko lang alam kung di ka mahilo ng bongga! " sikmat ko sa kanya.
"Ilang beses na kitang tinulak gaga pero di ka naman nahilo! Sabihin mo may laman yang tiyan mo " aniya habang nakaturo sa tiyan ko.
Am I really pregnant?? But I don't feel anything in my tummy. I should buy Pregnancy test kit tomorrow to make it sure. I can't just risk it if there's baby inside my tummy I should always put my safety as my top priority now.
"Hoy! Bakit bigla kang natahimik diyan? " sabi ni Haisley na nakatunghay sakin.
"H-huh? "
"Gusto mo ba dumaan muna tayo sa Pharmacy at bumili ng PT? Para masiguro natin? " She asked.
"No need maybe I'm just tired kaya madalas ang pagkahilo ko these fast few days" sagot ko sa kanya.
What if my Pregnant should I tell it to Brion? Panu kung ayaw niya naman sa anak ko masakit yun sa part ng bata kung sakali man isa pa ikakasal na din ito ayaw ko naman ipagpilit ang magiging anak ko kung sakali.
I sighed heavily before closing my eyes to sleep.