LUC She knew it is inevitable. Habang nalalagas ang mga araw na natitira sa kanilang dalawa ni Jiro, may isang bahagi sa pagkatao niya ang nagsusumigaw. It made her restless even when they’re together. And even without him saying it, Luc knew Jiro was well aware. Nararamdaman niya iyon sa mga titig sa kanya ng lalaki. Sa bawat dantay ng kamay ni Jiro sa tuwing hahawakan siya ng binata ay para bang kargada ng boltahe. At ngayon ang huling gabing natitira sa kontrata nilang dalawa ng binata. Jiro cooked for her again. Nagtulong-tulong sina Emilia at Maita para i-set up ang rooftop para sa isang hapunan. Pagkatapos ay inabutan ng pera ni Jiro si Maita. “Para saan po ito, kuya?” takang tanong ni Maita. “Suhol ko sa inyo. Magsine kayong tatlo at kumain sa labas. Gamitin n’yo na ang sasakya

