Elishianna Celeste Levi ****TIME SKIP : AFTER 3 WEEKS**** Sa mga nagdaang linggo ay medyo naging ayos na ako, napilit na rin ako nila Ciela na makapag salita at nagkaroon na rin kahit papaano ng gana. Sa loob ng tatlong linggo ay marami na rin ang nangyari. Mas napadalas na rin ang pagkahilo ko, sakit ng katawan, pagsusuka o duwal sa umaga lalo na ang mood swings ko. I was literally moving forwad with the help of Jace and Ciela. Siguro kung wala sila ay baka nabaliw na ako at mas lalong nawalan ng gana. Masakit pero kailangan ko mag move forwad, unti unti ay nakakabawi naman na ako at nag kakaroon ng gana. "Good morning!" Malakas na sambit ni Ciela nang makapasok sa kwarto ko. Babatiin ko na sana siya ngunit nakaramdam ako ng parang may humuhukay sa tiyan ko kaya mabilis akong tum

