Chapter Thirty Two

3188 Words

Nagtirik ako ng kandila sa puntod ni Onyx at nag-usal ng dasal. Kahit nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Onyx, pakiramdam ko ay sariwa pa rin ang pangungulila ko sa kanya. Dahil sa nangyari, nawalan ako ng dalawang kaibigan. Naramdaman ko ang paghaplos sa aking likod. Napalingon ako. "Alam kong matatahimik na ang kaluluwa ng anak ko." Malungkot na ngumiti si Tita Wanda sa akin, sa tabi nya ay si Warren na nakapamulsa. "Mabait po na kaibigan si Onyx. Kaya tinulungan tayo ng diyos na mabigyan sya ng hustisya." Tumango tango si Tita Wanda. "Sigurado po ba kayo na aalis na kayo rito?" Tanong ko. Humugot sya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. "Oo, Blaine. Ilang beses na kasi akong pinapakiusapan ng kapatid ko na tumira sa bahay nya sa syudad. Saka wala rin naman akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD