"Bakit nandito tayo?" Takang tanong ko nang huminto ang kanyang sasakyan sa masikip na daan ng hideout. Tanging motor lang ang pwedeng maglabas pasok sa daan na ito. "I left my present for Kyzo. Wait here and lock the door." Bilin nya bago bumaba sa sasakyan at isara ang pinto. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Madilim at walang makikitang tao, tanging mga kaluskos ng hayop at ihip ng hangin na sinasayaw ang mga naglalakihang puno ang maririnig. Nanuot sa aking balat ang lamig na nagmumula sa aircon sa loob ng kotse. Nakaramdam ako nang takot na mag-isa sa loob nito. Binuksan ko ang pinto at lumabas. "Sir Adler! Hintayin mo ako! Sasama ako!" Sigaw ko nang makita sya sa kalayuan. Huminto at lumingon sya nang marinig ako, agad na isinara ko ang pinto at tumakbo sa direksyon nya. Nakakat

