Buong maghapon na nakakulong lang ako sa library ni Sir Adler. Wala sya sa mansyon ngayon dahil nag-iikot sya sa farm. Tulad nga ng sabi nya, sya ang gagawa ng dapat ay gawain ko. Napabuntong hininga ako sa kawalan. Narinig ko ang pagtunog ng telepono sa aking tabi. Nilapag ko sa mesa ang hawak na papeles bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Blaine, hija!" Sagot ng masayahing boses. "Madam Sonya, kayo po pala. Kamusta po?" Sagot ko nang mabosesan sya mula sa kabilang linya. "Okay naman kami rito. Ikaw? hindi ka ba pinapahirapan ng anak ko dyan?" "H-hindi naman po." Sagot ko. 'Kung alam nyo lang kung anong isipin ang binibigay ng anak nyo sa akin ngayon.' Lihim na sabi ko sa isipan. "Nga pala, Nandyan ba si Adler? May itatanong kasi ako sa kanya tungkol sa package na dumating dito sa ba

