Isang Regalo

2676 Words
“Oh, hindi ka pa uuwi?” tanong iyon ng kaibigang si Jonas nang madatnan siya nitong nakaupo sa employees lounge. Tapos na ang trabaho nito. “Hindi pa. May kikitain kasi ako dito mamayang 6:30,” sagot nito habang patingin tingin sa telepono. “Anong meron mamayang 6:30?” interesado nitong tanong sa kaibigan. “Si sir Kody, mag-dinner daw kami diyan sa cafe sa kabila,” anito na hindi man lang nilingon ang kausap, seryoso ito sa kakapindot sa telepono. Napaupo sa tabi niya si Jonas sa narinig. “Ha? Magdi-date kayo ni sir?” may excitement ang nabanaagan sa mukha nitong tanong sa dalaga. Napaangat ang mukha ni Sam sa sinabi ng kaibigan. Napaisip rin. “Date ba na masasabi yun?” salubong ang kilay na tanong niya pabalik dito. “Ano ka ba! Ano ba ang sabi ni sir?” “Sabi niya lang, ‘Can we have a dinner tonight? Yun lang!” mabilis niyang inaalala kung paano ang pagkakasabi ng imbitasyon na iyon ng lalakeng nagmamay-ari ng hotel. “Gaga! Ina-ask ka niya na makipag-date!” palo nito sa braso ng babae. “Ha?” naguguluhang sagot ni Sam. Bakit makikipagdate sa kanya si sir Kody? “Ikaw ha, bakit hindi ko alam yan? Bakit makikipag-dinner siya sa iyo? Naglilihim ka na sa akin ateng ha!” may tampo nitong sambit. “Gaga. Basta, mahabang kwento. But I’m sure hindi yun date, ano ka ba. Isang may-ari ng hotel makikipag-date sa akin? Sa mukhang ‘to?” at itinuro niya ang sariling mukha. “Anyway, akala ko ba  may work ka pa, bakit ka nandito?” natatawa nitong sambit. Lumingon ito sa paligid at chineck kung nandoon ang kanilang manager. “Tapos na ako, waiting pa ako sa next order,” sabi nito. “Ateng, mag-ayos ka naman. Makikipag-date ka sa ganyang ayos?”  “Ano ka ba, ayoko bumalik pa sa bahay. Okay na ito. At tsaka hindi nga yun date, ang kulit mo!”  “Eh, ano kung hindi date! Basta mag-ayos ka! May time ka pa naman, 4:30 pa lang kaya. Sige na, magbihis ka ng maganda. Yung unang tinry mo na damit, iyon ang isuot mo!” “Wala nang time, traffic pa ngayon. Okay na ito,” pinasadahan niya ng tingin ang suot na jeans at pulang plane t-shirt. “At tsaka nakalaan na yun sa pupuntahan ko sa off ko,” nangingiti ngiti nitong saad. “Bakit, saan ka pupunta sa off mo?"  Hindi nagsalita si Sam kaya mabilis na inagaw nito ang cellphone ng kaibigan na  kasalukuyang nitong dinudutdot.  "Steven? May date kayo ni Steven!?" napalakas ang pagsasabi nito ng mga salitang iyon.  "Hoy, bakla ang ingay mo!" saway naman nito dito.  "At kelan ka pa nakikipag-text kay Steven?" pinameywangan siya ng kaibigan.  "Kanina lang. Huwag ka nga maingay!" pinaupo niya ulit ang kausap.  "Kanina lang tapos magdi-date na agad kayo? Naku naku ateng ha, tigilan mo yan!" pinandilatan siya nito ng mga mata. "At tsaka mag-e-effort ka doon sa tsonggong iyon samantalang kay sir Kody hindi?"  "Eh wala naman kasi talaga yun kay sir! May gusto lang daw siya ibigay. At tsaka kung mag-e-effort ako baka pagchismisan pa ako ng mga tao dito noh. So wag na. And besides wala narin time para mag-effort." Tumayo si Jonas para bumalik na sa trabaho. "Mamayang six ang labas ko. Hintayin mo ako dito, aayusan kita kahit konti! Gaga ka, mas pinipili mo pa yung palakang iyon kesa sa isang prinsipe!" mabilis itong sumibat nang makitang paparating na ang kanilang manager.  Kunot ang noong napaisip siya sa huli nitong sinabi. Tsaka niya lang naalala ang isang pelikula tungkol sa isang prinsipe na nag-iba ng anyo bilang isang palaka. Tawa siya ng tawa mag-isa.  Mabilis na lumipas ang dalawang oras. Hindi naman siya nabagot sa paghihintay dahil sa buong dalawang oras na iyon ay kausap niya si Steven na panay panay na talaga ang pagpaparamdam sa kanya at gusto nang manligaw. Ano pa nga ba ang magiging reaksyon niya, siyempre mula dulo ng hibla ng kanyang buhok hanggang ingrown niya sa mga paa ay kilig na kilig sa mga sweet-nothing na text nito. Malakas talaga ang tama ng lalake sa kanya. First time ito na may lalakeng gusto talagang manligaw sa kanya at balak na dumalaw sa kanilang bahay. Excited siya sa mga nakaplanong date na nila sa susunod na off niya mula sa trabaho. Paghahandaan niya iyon.  Samantala… Ilang minuto nang nakalipas magmula noong nakita nilang pumasok na sa Aroma Cafe na mismong nasa first floor ng hotel nang magpasya nang pumasok na rin doon si Sam. Iniwan niya sa isang tabi sa loob ng hotel si Jonas na mula sa de-salaming dingding ng cafe ay nakamasid lang sa kanila.  Mula sa entrace ng cafe ay iginiya siya ng isang waiter papunta sa table na ipinareserve ng lalake. Nasa medyo tagong side ito ng restaurant, sa walang katabing tao sa kabilang lamesa. Naabutan niya doon si Mr. Kody Cervantes na kausap ang isang waitress. Malaki ang pagkakangiti nitong sinalubong siya at inalalayan sa pag-upo.  “Naku sir, ok lang po ako, hindi nyo po kailangan gawin yan,” nahihiya man ay nagpasalamat na rin ito sa pagiging gentleman ng lalake.  First time niya makapasok sa ganitong restaurant at first time niya mapagsilbihan ng ganito ng isang lalake. Nakaka-flattered. “I already ordered my drinks, akala ko kasi hindi ka pa darating,” sabi nito na hindi maalis alis ang ngiti nito sa labi. “It's ok po. Sandali lang naman po tayo diba.” Inayos niya ang pagkakaupo. “Yes, pero sasaluhan mo rin akong kumain Sam,” kinawayan nito ang isang waitress para ibigay nito ang list of menu na isini-serve nila sa cafe. “Ho? Akala ko po may ibibigay ka lang sa akin?” “Yes, but of course it will be better if magkakaroon muna tayo ng konting chikahan, diba,” isang kindat ang pinakawalan nito sa babae. Medyo nailang siya dito na ikinahalata naman ng lalake. “Huwag ka nang mailang sa akin, okay. From now on, you can call me using my first name.”  “Po? Ay naku sir, hindi po pwede. Baka ma-kick out ako niyan sa trabaho,” panay iling niyang turan sa kausap. “Sam, remember I’m the boss, so hindi ka maki-kick out sa work mo, okay!” isang kindat ulit ang pinakawalan nito.  Nagbaba na siya ng paningin. Inabot niya ang menu list na iniaabot ng waitress pero wala ang isip niya doon. Tuloy ay si Kody na ang kumuha ng makakain niya. “So, how's your job, nag-eenjoy ka naman ba?” nagsimula na itong gumawa ng conversation nila habang higop higop ang kape na kadarating lang. “Ok naman po,” maikli niyang sagot. Sandaling napatigil ito at napatitig sa babae. Nakaramdam ulit siya ng pagkailang. “Huwag nyo po akong titigan ng ganyan sir, baka isipin kong may gusto kayo sa akin,” sabi nito sa seryosong tono ng boses. Natatawa itong pinamulahan din ng mukha. “I was just thinking, parang may nag-iba sa itsura mo,” sabi pa nito na hindi pa rin inaalis ang paningin sa mukha ng babae. “Well, sir, pwera sa straight na ang buhok ko at wala na rin akong bangs, nilagyan lang naman ako ng makeup ng baklang si Jonas. Excited siya na maka-date kita,” bigla niyang natakpan ang bibig sa huling sinabi. “Ay sorry sir, hindi pala ito date, erase erase!” ngisi niya dito. Nagpakawala ulit ito ng pagtawa. “Sabi ko sa iyo Kody nalang itawag mo sa akin ‘di ba. And para maliwanagan ka, this is a date,” anito. Namilog ang kanyang mata niya sa narinig. “Ho?” hindi siya makapaniwala.  “Yes. Friendly date,” paglilinaw nito. Natigilan siya at natawa sa isinagot nito. Kahit kelan talaga napaka assumera niya. “Oo nga po eh. Actually hindi ko rin naman talaga kayo type sir, so mas maganda na yung nagkakaliwanagan tayo,” seryosong sambit niya.  Nangingiti ngiti at napailing iling lang ang binata dito. “Kody okay, pag narinig ko pa ang salitang sir sa iyo, may penalty ka na!” “Hala! Grabe ka si-” natigilan siya sa muntik nang sabihing salita.  “Warning! Isa nalang at ikaw ang pagbabayarin ko ng kakainin natin,” pangiti ngiti nitong sabi habang inilalagay sa harapan niya ang plato na iniabot ng waitress dito. “Naku naman sir, sinabi nyo ho sana para nakapagdala ako ng pera. Grabe ka sir ha, nag-aaya ka makipag-date wala ka naman palang pangbayad sa kakainin natin!” pinanlakihan niya ng mga mata ang kausap. Ikinatawa ulit iyon ng lalake. “You know what Sam, I like you! Masaya ka kasama!”  “Ay, salamat ho sir at nilinaw nyo yan. Baka mag-assume na naman ho kasi ako,” iniayos niya ang platong nasa harapan at sinimulan nang kainin ang steak na may kasamang sides na mashed potato at ilang asparagus, mushroom at carrots sa tabi.  Nagsimula na silang kumain at ipinocus lang ang sarili dito.  “In fairness ho sir ha. Mabait kayong boss, hindi kagaya ng iba,” pagkatapos lagukin ang orange juice na nasa mamahaling  baso ay sabi niya. “Sir?” inulit nito ang salitang narinig mula sa kaharap. “Ay, naku naman kasi sir, nasanay na kasi ako. Hayaan nyo nalang na ganun ang tawag ko sa inyo tutal naman sir ko naman talaga kayo!” napakamot ulit ito sa ulunan nito. “It’s ok kapag kaharap ang ibang tao, pero kapag tayo lang naman  you can call me Kody,” may pag-diin ito sa mga salitang binitawan nito. “O sige na nga Kody!” parang pilit pa nitong sagot. “Anyway, I have something for you,” kumilos ito at may kinuha sa dala dalang tila computer bag.  Inilahad nito sa harapan niya ang pulang manipis na may malapad na size na bagay. Sinundan lang iyon ng tingin ni Sam. Pagkatapos ay nagulat siya nang buksan nito iyon sa harapan niya. Napa-nganga lang siya habang pinagpapalit palit ang tingin sa lalakeng kaharap at sa mga makikinang na bagay na iyon sa kanyang harapan.  “These are real diamonds and real gold. There are three sets, may hikaw ka na, bracelet and necklace, just pick one set and it's all yours. Kapalit ng nawala mong hikaw sa banyo ko,” paliwanag ng lalake.  Napatingin siya sa paligid niya. “Sir, wag mo nang banggitin ang banyo, baka may makarinig, pag-isipan pa tayo ng masama!” seryosong at pabulong na sabi nito na ikinatawa ng malakas ng lalake. “At tsaka sir, sa totoo lang, expected ko talaga na baka nga palitan mo yung hikaw ko, pero hindi ko naman akalain na ganito ang ibibigay mo na  isang set pa talaga? Nakakahiya naman sir!” kimi siyang sabi. “Ikaw, sir ka na naman ng sir!” pinamilugan na siya nito ng mga mata. “Ay sorry, Kody pala!”  “Sige na, pumili ka na!” utos nito. “Sure po talaga kayo? Kasi hikaw lang ok na ako.” “Sam?” tila nakukulitan nitong sambit sa pangalan ng babae. “Eto na nga po, pipili na!” kinuha nito ang bagay na iyon mula sa kamay ni Kody at pinakatitigan. Hindi pa rin siya makapaniwala na bibigyan siya ng isang set na jewelry ng kanyang boss na si Kody Cervantes. Kinuha niya ang isang set na nasa unahan kasama ang box nito.  Nang ibalik niya sa lalake ang the rest na mga alahas ay napangiti lang ang lalake. Paano’y pinili ni Samantha ang pinaka simpleng style ng alahas. Natuwa ito doon. Napaka-simple lang talaga ng babaeng kaharap, gaya rin ng personality nito. “Thank you po s--, este Kody pala! I will keep this po! Promise, kahit anong gipit ko hindi ko talaga ito isasangla!” seryoso nitong sabi. Natatawa lang na ibinalik ng lalake ang pulang bagay doon sa loob ng bag nito. “I will be happy to help you naman kapag nangyari iyon kaya ok lang na isangla mo iyan!” anito. “Anyway, one reason din kaya I asked you for a dinner is…” natigilan ito sa sasabihin ng biglang ibinalik ng babae ang alahas sa harapan nito. “Sabi ko na nga ba eh, alam ko hihingian nyo na naman ako ng pabor!” dirediretsong sabi ng babae. “Sam!” hinawakan nito ang isang kamay ng kaharap na ang reaksyon ng mukha ay tila nahulaan na kung anong gusto nitong sabihin. “Just hear me out first,” tila pinakalma nito ang kausap. “Hindi talaga sana ako pupunta sa party nila Cheska, but I was advised by my dad na pumunta narin dahil may business kaming io-open soon which is kasosyo sila. Kung ok lang sana sa iyo na isama kita and mag-pretend na maging girlfriend ko that night? I will appreciate it,” may pagpapa-cute nitong sabi hoping na pumayag ang kausap. “Si-, I mean Kody, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ako magpapanggap na maging girlfriend nyo sa isang pang mayamang party?” hindi siya makapaniwala sa narinig. Akala niya pinagkatuwaan lang siya nito noong nakaraan nang ipakilala siya nito sa babaeng kaibigan pero ngayon na haharap siya sa maraming tao bilang girlfriend nito, ibang level na ata yun. “Yes. Pwede ba? Please!” hinawakan ulit nito ang kamay ni Sam, ngayon ay may higpit na. “Bulag ho ba kayo sir? Tingnan n’yo ho ako, hindi ako papasa bilang girlfriend ninyo! Baka pagtawanan lang ho kayo doon. At tsaka nakita ninyo naman ang reaksyon ni Cheska noong nakaraan ‘di ba, noong pinakilala n’yo ako bilang girlfriend ninyo? Aba ay kung makangiwi ng mukha ay parang nakatapak ng ebak.” Napahalakhak si Kody ngunit sandali lang din at sumiryoso na ulit. “Sam, stop calling me sir please. Magpraktis ka na na tawagin ako sa first name ko kasi hindi maganda yung marinig ka nilang sir ang tawag mo sa akin samantalang girlfriend kita.” Bahagyang naipalo niya ang lamesa sa narinig. “Oh tingnan mo, nagpaa-paalam ka pa sa akin, eh ikaw rin pala ang masusunod!” may pagkayamot na iling nito. Ikinatawa ulit nito ang sagot ng babae. “ Sasama ka sa akin sa party sa Thursday bilang girlfriend ko. Don't worry about everything, basta mag show up ka lang dito, ako na bahala sa iyo.” “Teka, teka lang naman! Thursday???” naalala niya pala na iyon ang araw ng off niya sa trabaho, the same na araw ng date nila ni Steven. “Hindi ako pwede sa Thursday!” angal na nito sa kaharap. “Bakit?” “Basta may lakad ako niyan! Pagod ako!” “Whatever plans you have that day gawin mo na sa umaga, basta sa hapon akin ka. You will go with me on Thursday, okay. End of conversation!” ibinalik nito ang  box nang may lamang alahas sa harapan nito. Napasimangot nalang siya sa pagdedemand ng boss.   “And by the way Sam,” makailang ulit na ba nitong nahawakan ang kamay ng babae noong gabing iyon. “Stop comparing yourself to others. You are beautiful,” iyon lang at kinawayan na nito ang waitress para lumapit sa mga ito para mabayaran na ang kinain nila.  She rolled her eyes dito. ‘If I know, suhol lang naman ito,’ bulong niya sa sarili habang hawak hawak ang ibinigay ng lalake. Ngunit kasunod nun ang tila may naramdaman siyang kilig sa huling binitawan nitong salita. Kilig na agad din namang nawala nang makita ang sangkaterbang text ni Steven. Agad niyang binasa ang mga messages nito, na akala ay galit na ang lalake sa hindi niya pag-reply ng mabilis. Ngunit hindi pala. He was just checking on her. Parang naghugis puso ang mga mata niya habang binabasa pa ang ilang mga text ni Steven. Inlababo na ata siya talaga. Nayakap niya ang telepono. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD