Ang Pagpapanggap

2613 Words
Aligaga siya noong hapong iyon sa paglilinis sa isang kwarto sa 4rth floor nang tawagan siya sa dala dala niyang radyo ng kanilang manager. Medyo nakapag-adjust na siya at medyo gamay na ang trabaho kaya sa isang maliit na kwarto ay kaya na niyang linisan mag-isa ng mabilis. “Samantha, umakyat ka sa 32nd floor, sa room 32D, may pakay sa iyo si Sir!”  Yun lang at mabilis na itong nawala sa kabilang linya. Natahimik siya at biglang kinabahan. Sa pagkakatanda niya ay number iyon ng suite na tinutuluyan ni Kody Cervantes. Ano kaya ang pakay nito sa kanya at kailangan pa siya mismong  papuntahin sa room nito na pwede namang ipasabi nalang sa manager niya?  Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at pagkatapos niyang ilagay sa storage room ang cleaning cart na dala ay agad na rin na pumaakyat  papunta sa 32nd floor. Sa tapat ng malaking pintuan ng suite na pupuntahan ay nakapag sign of the cross muna siya bago niya pinindot ang doorbell na nandoon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at makailang buntong hininga muna ang ginawa niya bago niya narinig ang pagpihit ng doorknob nito. Dahan dahang bumukas ang pintuan na nasa kanyang harapan, at sa maliit na awang ay sumilip si Mr. Kody Cervantes. “Ms. Reyes! You’re Ms. Reyes right?” Nakangiting tanong ng lalake. “O-opo!” Pautal utal niyang sagot kasabay pa ng pag-ayos niya sa bahagyang bumaba na eye glasses.  “Come in, come in!!!” Magiliw nitong aya sa kanya papasok sa loob ng kwarto nito.  Nagdadalawang isip siya na pumasok doon. Kabilin bilinan sa kanila ng manager noong nagtraining palang sila na kapag hindi naman tungkol sa trabaho ang pakay ng isang tao sa kanila ay wag na wag na papasok mag-isa sa loob ng room ng guest. Marami kasing narirape na room attendant dahil sa mga ganung pangyayari. Napaisip siya, wala naman sigurong balak na masama si Sir Kody sa kanya.  Natawa siya sa naisip. Siya pa sa ganitong itsura niya ay pagbabalakan ng masama ng isang gwapong nagmamay-ari ng hotel na pinagtatrabahuan niya? Ang kapal naman ng apog niya!  Lumingon muna siya sa magkabilang side ng hallway bago siya pumasok sa loob ng kwarto. Baka may makakita sa kaniya sa pagpasok doon at baka pag-isipan siya ng masama.  Mula sa malaking pagkakabukas ng pintuan ay dahan dahan na itong isinarado ng lalake. Nang biglang mapamaang si Sam sa nakitang ayos nito. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya sa pang-ibabang parte ng katawan nito. Mukhang kagagaling lang nito sa paligo dahil basa pa ang buhok at humahalimuyak pa ang amoy ng mabangong sabon o shampoo na ginamit nito.  Mabilis siyang napatalikod.  “Ahh… ano po ang kailangan nyo sir? Bakit nyo po ako pinapunta dito?” Medyo utal niyang tanong. “Yeah, I have something to show you.” Anito sa magiliw na tono ng pananalita. Nanlaki ang mga mata niya. Ano daw? Meron daw itong ipapakita sa kanya? Para siyang robot na nanigas at hindi nakasagot sa sinabing iyon ng lalake. Sa ayos nito ngayon, ano kaya ang ipapakita nito? “But I can’t show it to you if you are facing your back on me!” Sambit ulit nito.  Dahan dahan siyang humarap dito pero pagkaharap ay agad na dumako ang mga mata niya sa pang ibabang bahagi ng katawan nito, sa nakaumbok na bagay na tinatakpan ng puting tuwalya. Mabilis ulit siyang napatalikod. “What’s wrong Ms. Reyes!?” Tanong ng lalakeng tila walang ka ide-idea kung bakit nagkakaganun si Sam. “Eh sir, n-nakakasilaw po kasi ang ayos n-ninyo! H-hindi ko kayang tingnan!” Pautal utal niyang sagot. Narinig niya ang maikling pagtawa nito. Naramdaman niya ang paglakad nito na tila may kinuha sa kabinet sa loob ng walking closet hindi kalayuan.  “Is this okay Ms. Reyes?” Tanong nito ulit sa kanya pagkabalik. Kampante na siyang humarap dito nang matigilan at mapamaang ulit. Nag suot ito ng boxer shorts na bakat na bakat ang pagkalalake nito sa design nitong spongebob. Avid fan siguro ito ni spongebob.  Gusto niyang matawa pero pnigilan ang sarili at ifinocus nalang ang paningin sa mukha nito. Ngayon niya lang napansin na bago rin itong shave. Malinis na malinis ang mukha nito, kagaya ng picture nito sa hallway. “Com’on Ms. Reyes, come inside the bathroom, I have something to show you.”  ‘Huh? Bathroom? Show?’ Tila umaalingawngaw ang mga katagang iyon sa kanyang tenga. Ano ba talaga ang ipapakita nito bakit kailangan pang pumunta sila sa loob ng banyo nito? “Ho? Bakit hindi nalang po d---?” Natigilan ang pagtatanong niyang iyon nang iinterrupt nito ang pagsasalita niya. “Because it's in the bathroom?”  Naramdaman niya ata ang medyo pagka-inis na nitong pagkakasabing iyon. Walang ano ano’y tila may sariling isip na lumakad ang mga paa niya papunta sa loob ng banyo.  “Is that yours?” Tanong ng lalake. Tila naman natauhan siya nang mapag-alaman na nasa loob na siya ng banyo ng marinig ang tanong na iyon ng lalake mula sa kanyang likuran.  Nilingon niya ang lalake para alamin kung ano ang tinutukoy nito at itinuro nga nito ang isang maliit na kumikinang na bagay na nasa ibabaw ng countertop hindi nalalayo sa sink. Nagliwanag ang kanyang mukha ng mapag-alaman kung ano iyon. Iyon ang kanyang hikaw na ilang araw na niyang hinahanap na akala niya ay naiwala na niya talaga.  “I saw that on the floor next to the bathroom toilet just this morning!” Rinig niyang sambit nito. Kinuha niya ang maliit na hikaw at pinakatitigan. Isa itong klase ng hikaw na de-clip lang. Hindi niya alam kung bakit nalaglag ito mula sa tenga niya eh may pagka mahigpit naman ang clip nito doon. Anyway, masaya siya at nahanap niya na iyon. Iyon kasi ang una at kaisa isang gold na hikaw na regalo ng kanyang ama noong ika labinwalong taong kaarawan niya, noong bago pa ito ma-stroke. Kaya naman mahalaga iyon sa kanya. “Naku, maraming salamat ho sir! May sentimental value po ito sa akin kaya nalungkot talaga ako nang maiwala ko ito.” Tiningnan niya ang kausap mula sa repleksyon nito sa kaharap nilang salamin sa loob ng banyo, ingat na huwag bababa ang kanyang paningin sa agaw pansin talagang tanawin na iyon ng lalake. “Really? Then, I’m happy that I get to bring it back to y--” Hindi pa naitatapos nito ang sasabihin nang biglang tumunog ang doorbell ng room nito na ikinahinto nito sa pagsasalita. Si Sam naman ay nagulat din at bahagyang napatalon. Nabitawan tuloy at tumilapon  ang hawak hawak na hikaw.  Mala slowmotion na sabay nilang tinitigan ang pagtalsik nito sa ere at pagbanda sa salamin, ang pag gulong nito papunta sa lababo at paikot ikot na bumaba hanggang lumusot ito sa butas nito. Nagkatinginan sila nang marinig ang pag-echo ng tunog nito habang bumabanda sa bakal sa loob ng tubo ng lababo.  Sabay silang lumapit at napadukwang doon. Nagkatinginan sila ulit kasabay rin ng pag-iiba ng ekspresyon ng kanilang mga mukha na parang pinagsakluban ng langit at lupa.  Lumabi ni Sam na tila mangiyak ngiyak.  “I’m so sorry!” Sambit ng lalake na aaluin na sana sa balikat ang babae pero narinig ulit nila ang paulit ulit na na pagtunog ng doorbell.  Tila nataranta ito at hindi alam kung ano ang uunahin. “Ah, can you stay here for a few minutes? Titingnan ko lang kung sino yung tao sa labas, I will be back, ok!” Tinapik siya nito ng bahagya sa balikat. Tahimik lang siyang napatingin ulit sa lababo na tila pinagbabalakan pa kung kaya niya bang kalasin ang tubo nito. Pinakiramdaman niya rin kung sino ang taong pumindot ng doorbell na naging dahilan kung kaya siya nagulat at nabitawan ang hikaw.  Samantalang, sinilip muna ni Kody mula sa peak hole ng door kung sino ang nasa labas ng room. Nang mamukhaan kung sino iyon ay agad na pumasok ulit sa bathroom.  Nagulat si Sam sa mabilis na pagpasok nito doon at pagkuha ng puting tuwalya na nakasampay sa likod ng pintuan. Ibinalot ulit nito iyon sa pang-ibabang parte ng katawan at lumabas ulit para pag buksan ng pinto ang taong nasa labas. “Hi handsome!” Bungad ng isang babae na itinulak pa talaga ang pinto para maluwang itong bumukas at tuluyang makapasok sa loob ng kwarto.  Napaatras si Kody at halata sa reaksyon ng mukha na hindi masaya sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Nagliwanag naman ang mukha ng babae sa nakitang ayos ng lalake. Gumapang ang paningin nito mula sa mamuscle na balikat, ma abs na tyan at bumaba pa sa maumbok na parte ng katawan na tinatakpan ng tuwalya. Nabasa nito ang mga labi sa magandang tanawin na nakikita. “I knew it, tamang tama talaga ang pagpunta ko dito.” Dahan dahan itong lumapit sa lalake at nang makalapit sa harapan nito ay walang pag-aalinlangan na agad na kinapa ang dibdib ni Kody. Kody rolled his eyes at hindi natinag sa pagkakatayo. “Cheska, can you tell me the reason why you’re here?” Walang emosyong tanong nito sa dalaga.  “I just want to be with my Kody!” May pang-aakit na sambit nito habang nakatingala sa lalake.  “Stop it Ches! What is it?” May pagdiin na sa mga salitang binitawan nito.  “Let’s talk about it later! Don't you miss me Kody?” Inilapit nito ang mukha sa dibdib ng lalake at tila inamoy ang mabalahibong dibdib nito. Lahat ng iyon ay rinig ni Sam mula sa loob ng banyo. Kinabahan siya at napaurong sa tago pang sulok nito nang matabig ng paa ang pantalon ng lalake na nasa floor ng banyo. Naglikha ng ingay ang sinturon na nakakabit pa rin doon, napapikit siya at nagdasal na hindi iyon narinig ng mga tao sa labas.  Samantalang napalingon ang babaeng bisita sa direksyon kung saan narinig nito ang ingay.  “Is there someone else in here?” Tanong nito sa lalake.  Natawa naman si Kody at nakaisip ng isang paraan para tumigil na ang babaeng iyon sa paglingkis sa kanya. “Yeah, my girlfriend.” Sambit nito. Biglang nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig. ‘Girlfriend? Sino ang tinutukoy nitong girlfriend? Siya?’ Lalong kumabog ang dibdib niya. Nag start na rin mamuo ang butil butil na pawis sa kanyang noo. Nagtagumpay naman ang lalake nang mapaatras si Cheska at bumitaw sa pagkaka sandal sa kanyang dibdib.  “Girlfriend? I thought you don’t have a girlfriend?” Kunot noo nitong mataray na tanong. “Ah--” Mabilis na naghanap ng maisasagot ang lalake. “I actually have!” Sagot nito. “It’s a long story, but yeah, I have a girlfriend. Do you wanna meet her? Wait.” Iniwan agad nito ang babae na medyo may doubt sa reaksyon ng mukha ng lalake. Last month lang ay nagkita sila nito sa isang party at nabanggit nga nito na wala itong kasalukuyang kasintahan. Pumasok si Kody sa banyo at pabulong na agad na humingi ng paumanhin kay Sam sa mga narinig nito  mula sa napag-usapan ng mga ito sa labas.  “Can you do me a favor please!” Taranta nitong kinuha ang puting bathrobe na nakahanger sa gilid ng banyo at ipinasuot kay Sam. Pinaalis nito ang suot nitong itim na pangtrabahong sapatos, ito narin ang nag-ayosa pagkakatali sa pinasuot nitong bathrobe. Akma na sana nitong hihilahin palabas ang babae nang napahinto ulit sandali, inalis niya sa pagkaka bun ang buhok ng babae, isunuklay ang mga daliri mula sa bangs nito patalikod at inayos ang waivy na buhok ng babae, sa huli ay inalis nito ang suot na salamin ni Sam. Wala naman nagawa ang babae lalo na nang hawakan ni Kody ang kamay niya at bahagya siyang hilahin palabas ng banyo.  “Love, meet Cheska, my friend! Cheska, meet my girlfriend, S-Samantha!” Muntik pang hindi nito maalala ang pangalan ng dalaga.  Pilit lang na napangiti si Samantha, kasabay ng paulit ulit na pagpikit ng mga mata dahil hindi sanay na hindi suot ang kanyang salamin.  Hindi niya alam kung anong gagawin. Ipakilala ba naman siya na girlfriend, impromptu, ng isang may-ari ng hotel sa kaibigan nito na kita naman na lamang sa kanya ng sampung paligo, aba, hindi mo rin alam kung anong magiging reaksyon.  Nagkatitigan lang ang dalawang babae. Si Sam na binabasa ang reaksyon ng mukha ng kaharap at si Cheska na sinimulang pasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa.  Mabilis na tinago ni Sam ang bahagi ng paa na may suot pa na medyas, sino ba naman ang maniniwala sa attire niyang nakabathrobe pero may suot na medyas na galing sa banyo? Mabuti nalang at mahaba ang bathrobe na suot at naitago agad niya doon ang mga paa.  “Hi! Nice meeting you!” Inilahad niya ang kamay sa kaharap ng babae para doon matuon ang pansin nito.  Mapanuri parin ang mga tingin ni Cheska na nakipagkamay dito. “S-she’s your girlfriend?” Taas ang kilay nitong tanong sa lalake. “Y-yes! She’s my girlfriend!” Sagot ni Kody na inilipat ang kamay sa balikat nito at inakbayan si Sam, hinapit pa ang katawan nito palapit sa katawan niya.  Tila pigil ang hiningang pinakiramdaman ni Sam ang malabatong katawan ng lalake. Nag init ang mukha niya at namula ang mga pisngi. “Ah, no offense ha, but I didn't know nagbago na pala ang taste mo sa mga babae.” Sabi nito na walang kapreno preno sa pagsasalita.  “Cheska!” May galit ang tono ng pagkakabanggit ni Kody sa pangalan nito. Tila sinaway ang pangbabastos nito sa ipinakilalang kasintahan.  Napataas rin naman ang kilay ni Sam. Feeling niya kailangan niyang dipensahan ang sarili sa panglalait nito sa kanya bilang girlfriend ni Kody, she meant bilang kunyaring girlfriend ni Kody.  “So, can you tell us the reason why you’re here? Medyo nakakaistorbo ka na kasi.” Iniyakap nito ang dalawang braso sa hubad na katawan ng lalake. Tumaas ang balahibo niya sa ginawa at naconcious, pero need niyang pangatawanan ang pagpapanggap kaya hindi siya nagpahalata kahit pa may kilig na naramdaman.  Kumibot ang gilid ng mga labi ni Kody sa narinig mula dito. Parang napahiya naman ang bisita. May kinuha itong isang bagay sa loob ng mamahalang hand bag na dala dala. “I actually came here to give you this.” Inilabas nito ang tila isang envelope. “It's an invitation for a party.  Dad will be glad to see you there Kody,” Anito na sa lalake lang naka focus ang paningin. “Can I bring my girlfriend with me?” Tanong ng lalake dito. “Ahm…” May pag jajudge pa rin ang ginagawang pagtingin nito kay Sam, “If you want to!” Sagot nito na may pagtaas ng balikat. Nagsimula na itong humakbang paatras. “I’ll go now!.. Sorry if I interrupted you!” Sarkastiko itong ngumiti, tumalikod, binuksan ang pinto at lumabas.  Nagkatinginan naman ang dalawang naiwan sa loob ng kwarto. Ilang sandali rin bago nila naalala na nakaakbay parin si Kody sa kanya at siya ay nakaakap pa rin sa lalake.  Dali dali siyang pumasok ulit sa loob ng banyo at inalis ang bathrobe na suot. Inayos ang sarili, isinuot ang salamin at sapatos at dagling lumabas na rin mula sa room na iyon. Habol habol naman ang lalake dito habang humihingi ng paumanhin. “I am so sorry Ms. Reyes, I will make up to you, I promise!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD