CHINITO: Chapter 3 (Ex-Lover)

2686 Words
Ilang minuto ang nakaraan ay natapos si Jeff sa pagligo at kaagad namang ito nagbihis para papasok sa kanyang klase. Nang paglabas nila ni Rileysa silid ay nandoon pala ang kanyang tatay na nakaupo sa sofa samantala ang kanyang nanay naman ay nasa kusina. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jeff na matigas ang tono ng boses. “Ahmmm. Binisita ko lang kayo, anak. Miss ko na kayo eh” “Bisita…?? Walang patay dito sa bahay namin para bisitahin mo” “Jeffrey…” saway ni Joyce sa anak. Pero ngumiti lamang si William na parang wala siyang narinig. “Anak..papasok ka na sa klase mo? Gusto mo hatid kita?” “Huwag na. Matanda na ako. Sanay naman ako na mag-isa na papunta at pauwi sa paaralan” “Ganun ba? Kahit ngayon lang, nak. Okay lang ba?” Napatingin si Jeff sa kanyang ina na tila may ibig sabihin ang mukha nito “Hmmm. Sige, kung iyan ang gusto mo” “Hello po, tito. Good morning” dugtong ni Riley sa kanilang usapan “Ako po si Riley” “Magandang umaga din. Ka-anu-ano ka ng anak ko?” “Ahmmm…” napatagal sumagot si Riley na napasulyap siya kay Jeff “Mmmm. Kaibigan niya po” “Ah. Ganun ba? Glad to meet you, Riley. May nakilala din ako sa wakas na kaibigan ng anak ko” Natahimik ang lahat pagkatapos sinabi yon ni William. Nagtinginan silang tatlo dahil hindi pa nga alam ng kanyang tatay ang totoo niyang pagkatao. Nabasag lamang ito nung nagsalita si Jeff. “Hindi pa ba tayo aalis?” “Ay sorry. Sige alis na tayo” sambit naman ni William “Riley… kung gusto mo. Sumabay ka na din sa amin” paanyaya niya kay Riley. Sumakay sila sa sasakyan, si Jeff ay sa harapan umupo dahil doon siya pinaupo ni Riley para makapag-kuwentuhan sila ng ama, samantala siya naman ay sa bahaging likuran na lamang ng sasakyan umupo. Ilang sandali ay sumunod naman si William. Pina andar niya ito at umalis agad. “Anak.. kamusta ka na?” tanong niya sa anak “Ok lang naman…..” tipid na sagot ni Jeff “Ganun ba…may nobya ka ba ngayon?” tanong uli sa anak “ang guwapo mo kasi e… siguro marami ka nang pinaiyak na babae” “Sapat lang…” “Hehe.. hindi ako naniniwala sa’yo…’yong totoo anak, meron na ba?” biglang natahimik si Jeff sa tanong ng tatay. Paano niya ito sasagutin? Baka hindi siya tanggapin ng tatay kung sasabihin niya ang totoong pagkatao. “Matagal na akong hindi nagka-girlfriend…pahinga muna ako diyan at isa pa, magastos yon kasi kung magdedate kami. Akin lahat ng gastos…” Natawa ng malakas si William sa sagot ng anak “Hahaha.. ikaw talaga Jeff. Mana ka talaga sa tatay mong kuripot” nakahinga siya kasi nakalusot siya sa tanong ng tatay. Hindi niya muna aaminin ang totoo niyang kasarian sa tatay kasi baka hindi niya ito tanggapin at hindi pa siya handa dito. “Anak.. may sasabihin ako sa’yo” “Ano po ‘yon?” matagal si William bago sumagot sa anak na tanging tunog lang ng sasakyan ang kanilang naririnig. “Gusto ko sanang ipakilala kayo sa kanila… sa bago kong pamilya… ipinaalam ko na ito sa nanay mo at okay lang sa kanya. Sabi niya din na itanong ko daw sa’yo kung papayag ka.” “For what?” tanging tanong niya “Gusto kasi nila na makilala kayo, anak” sagot ng tatay “Makilala?? Ayoko nga” pagmamatigas ni Jeff “Ayaw ko silang makilala. Hindi ako interesado” “Anak naman. Utang na loob. Gusto kasi nila eh. Bigyan mo din naman ng pagkakataon para makilala mo sila” “Tama ang tatay mo, Jeff” dugtong naman ni Riley sa likuran “At isa pa, wala ka namang magagawa eh. Kahit na iiwas ka, andiyan na yan. Hindi na sila mawawala sa buhay ninyo. Tanggapin mo na lang ang katotohanan.” Natahimik si Jeff sa sinabi sa kanya ni Riley. Hindi niya alam kung saan siya magagalit sa oras na iyon, kung sa kanyang tatay na ipakilala niya na kaagad ang kanyang bagong pamilya o kay Riley, dahil tinawag siya sa kanyang pangalan. Pero naisip niya na tama si Riley dahil wala nga naman siyang magagawa dahil andiyan na at hindi niya na mabubura ang ginawa ng ama. “Sige. Pag-iisipan ko” tanging sagot nito. Huminto ang sasakyan ni William sa tapat ng University na kung saan nag-aaral si Jeff. Bumaba naman silang dalawa at kaagad umalis si William. “Babe. Sunduin kita mamaya ha. Uwi muna ako, magbibihis lang” paalam ni Riley sa kanya. “Bahala ka” “Uy teka. Galit ka ba, babe?” “Ay hindi. Masaya ako oh” sabay ngiti na mapait. “Galit ka eh. Bakit ka na naman ba nagagalit? Ano na naman ba ang problema?” “Anong problema? Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko?” “Oo. Tinatanong kita. Ano ba yun?” “Bakit mo pinagtatanggol ang taong yon sa akin ha?” “Ang tatay mo…??” panghuhula ni Riley “Tama naman diba? Wala ka namang magagawa eh. Please babe, patawarin mo na siya.” “Hmmm. Ewan ko. Kahit anong pilit ko na patawarin siya, naalala ko pa din ang ginawa niya, lalu akong naiinis.” “Hay naku, babe. Isipin mo na lang na mas maswerte ka kesa sa akin dahil may tatay ka pa. Kumpara naman sa akin, hindi ko alam kung sino at kung saan ang tatay ko” “Hmmm. Kung sa bagay. Tama ka, babe” “Diba…??? Smile ka na diyan, huwag ka nang magalit ha” “Hmmmp. E bakit pangalan ko ang tawag mo sa akin kanina?” “Hahaha. Tanga ka ba? Kung babe ang tawag ko sa’yo kanina, e mabibisto tayo ng tatay mo. Babe naman oh. Matampuhin eh” “Hehehe. Alam ko po. Nagbibiro lang.” “Biro ka diyan. Sige na, pumasok ka na, babe. Late ka na sa klase mo” “Ay s**t. Oo nga pala. Sorry babe. Sige na, pasok na ako” sambit ni Jeff sabay pasok ng gate. “Okay babe. Ingat ka. Sundo kita mamaya ha” “Okay babe” *** Nang matapos ang klase ni Jeff ay sinundo nga siya ni Riley katulad sa pinangako niya. Kaagad sila sumakay ng taxi papuntang mall para doon magdinner. “So, kamusta ang araw mo sa school, babe?” tanong ni Riley. “Hmmm. Okay lang naman. Stressful” “Bakit ka na-stress, babe? Ano ba ang ginawa niyo kanina?” “May mga projects na kaming gagawin eh. Patapos na kasi ang semester” “Ah. Ganun ba? Gusto mo, tulungan kita?” “Hmmm. Sure ka? Baka naman mahirapan ka kasi hindi mo pinagdaanan ‘to” “Oo naman. Kayang-kaya ko yan noh” sabay kuha ng libro sa bag ni Jeff “Ito ba?” “Naku babe. Huwag na” sabi ni Jeff “Ibalik mo na sa bag ang librong yan” “Riley….???” sulpot ng isang lalake sa kanilang harapan. Nagulat naman si Jeff sa kanya dahil hindi niya napansin ang taong yon. “Fred?? ikaw na ba yan?” balik ni Riley “Wow. Ang laki na ng pinagbago mo ah. Look at you” “Well. I’m a marketing manager here sa mall” “Wow. That’s a great news” sagot naman ni Riley “Oo nga pala, I want you to meet my partner, Jeffrey. Babe, si Fred. Kasama ko before sa work sa call center” “Hehe. Well, hindi basta-basta co-worker, Riley” sabay tawa at tumingin kay Jeff “Naka- M.U. pa kami before eh” “Ahh. Ganun ba…?” tanging sagot ni Jeff na tila nagseselos na. “Oo noh. Tapos, nahuli pa nga kami ng Team Leader namin na naghahalikan sa C.R.” tawa ni Fred “Oh my god. That was hot” “Loko ka. Matagal na yun noh..” dugtong ni Riley. “Oo nga. Six months ago pa lang yun noh” “Ahheemmmm” sambit ni Jeff “Baka nakakalimutan niyo na andito ako sa tabi niyo” “Ay sorry, Jeff. Namiss ko lang kasi tong si Riley eh. Hehe” ngiti naman ni Fred “So, I’ll better get going na ha. Punta na ako sa office ko” “Sige, Fred. Ingat” sabi naman ni Riley at ngumiti ito. Napansin naman ito ni Jeff. “Bakit nakangiti ka?” “Wala, babe. Matagal na kasi kami hindi nagkita eh” “So, namiss mo siya? Ganun ba yun?” “Hindi naman, babe” “Hindi ka diyan. Alam mo, Riley. Kitang-kita ko ngayon sa mga mata mo ang ningning nung nagkita kayo ni Fred na yan” sambit ni Jeff “Ano ba talaga ang ginawa niyo noon ha??” “Wala babe. Tapos na yon” “Hay naku. Ewan ko sa’yo” “Galit ka na naman eh” “Hindi. Hindi ako galit. At bakit ako magagalit? Hindi mo nga kwinento sakin ang tungkol kay Fred na yan eh” “E wala namang dapat ikuwento babe. Okay? Hindi naging kami. At walang nangyari sa amin. Naghalikan lang, ganun. Pero hindi naging kami” “Weh?” “Oo naman. Maniwala ka naman, babe.” pagmamakaawa ni Riley sa kanya “Ganyan lang talaga si Fred eh. Palabiro. Binibiro ka lang niya” “Binibiro o ini-inis?” “Ayan ka na naman eh. Tama na nga yan, babe. Huwag ka nang magselos” “Hindi ako nagseselos, naiinis lang ako sa kanya dahil ang kapal ng mukha niya” “Oo. Kapal nga talaga yan, kaya huwag mo nang patulan. Okay?” “What do you mean?” “Hinahabol niya ako. May gusto daw siya sa akin pero pinipilit niya pa din na maging kami dahit ayaw ko sa kanya” “Hanggang ngayon?” “Siguro. Hindi ko alam, babe” “Ganun? Subukan niya lang na agawin ka niya sa akin” “Bakit? Anong gagawin mo?” ngiti ni Riley. “Naku. Huwag na, baka hindi mo magustuhan ang susunod kong sasabihin” “Hehe. Talaga lang ha?” “Talagang-talaga.” “Kain na nga tayo, babe. Baka gutom lang yan” biro pa ni Riley kay Jeff. Nang matapos silang maghapunan ay kaagad naman hinatid niya si Jeff sa kanilang bahay. Nagpaalam siya na papasok na sa kanyang trabaho. *** Nang pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niya na may bisita pala sila na naghahapunan sa kanilang mesa. “Jeff…andito ka na pala” sabi ng kanyang nanay na abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Lumapit naman siya sa kanyang ina para magmano. “Sino po sila, nay?” “Oo nga pala ‘nak, si Natalie at ang kapatid mo na si Jean.” Pakilala niya sa dalawang bisita nila. “Sila…?” tanging tanong ni Jeff sa ina. “Oo anak. Alam ko na nagpaalam ang tatay mo sa’yo pero hindi ka pa pumayag” paliwanag ni Joyce sa kanya “Pero sabi ko sa tatay mo na pumunta na lang sila ngayon para makilala mo naman sila” hindi nakapagsalita si Jeff ng ilang minuto “Anak? Galit ka ba?” “Hindi po, nay. Hindi ako galit” sabay tingin sa kumakain na mga bisita “Good evening po sa inyo” “Good evening din, Jeff” tumayo si Natalie at bineso si Jeff. “I believe, ikaw ang bunsong anak ng asawa ko kay Joyce. Am I right?” “Opo. Ako nga po, tita” “No. Don’t call me, tita” pagtatama ni Natalie “Its ‘Mommy’.” “Ahmmm. Sige po, Mommy…” “Very good. Oo nga pala, this is Jean. Your sister” pakilala niya sa nakaupong dalagang babae. “Hello, Jean” bati ni Jeff sa kanya. Pero hindi siya pinansin ni Jean na kasalukuyan nang naglalaro ng kanyang telepono. “Jean…” sambit ng kanyang mommy. Tumingin din naman siya kaagad kay Natalie “Binati ka ng kapatid mo. Hello daw” “Sorry Mom. Busy ako ngayon sa kakalaro ng Pokémon Go” habang hawak ang kanyang telepono “Oh my. Ang dami pala dito sa bahay nila, Mommy oh. Madaming hayop” “Pwede ba, Jean. Mamaya na yan” Napikon si Jean at pumuti ang kanyang mga mata. Pinatay ang kanyang telepono at pinasok ito sa maliit na bag. “Bakit ba? Ang istorbo naman” “Jean, show some respect” “Respect? Mom naman, ang hirap ng hinihingi mo sa akin” buntong-hininga ni Jean “Pumayag na nga ako na sumama na lang dito kasi pinipilit mo ako, tapos humihingi ka pa ng respeto ko sa kanila? Wow ha. Just wow” “Stop it, Jean.” saway pa ni Natalie sa kanya. “Huwag kang bastos” “And why not?” “Kasi hindi kita pinalaki ng ganyan, Jean. Marunong kang rumespeto” at tumingin siya kay Joyce “Naku Joyce, pagpasensiyahan mo na ‘to ang anak ko ha… Jeff?? Sorry din ha. Meron siya kasi ngayon eh” paliwanag niya sa kanilang dalawa “Alam mo na, mainitin ang ulo kapag dinadatnan” “Ayoslang yan, Natalie. Naiintindihan ko rin yan. Babae din ako eh” ngiti ni Joyce. “So pano? Alis na kami ha” paalam ni Natalie “May gagawin pa kasi si Jean sa bahay eh” “Teka, hindi ba kayo susunduin ni William?” “Hindi na siguro. Alam mo naman yun. Busy parati sa mga businesses niya” “Ah. Sige. Mag-ingat kayo, Natalie” Inihatid ni Joyce ang mga bisita sa labas para samahan magbantay ng taxi. Nang pagpasok niya ng bahay ay sinalubong siya ng anak. “Nay…anyare?” tanong ni Jeff na parang naghahanap ng tamang kasagutan sa ginawa ng nanay “ano yon?” “Ang ano anak?” balik na tanong ni Joyce sa anak “Nay naman. Huwag ka ngang ganyan. Bakit mo pa pinagtatanggol ang malditang anak niya?” “Wala yon, anak. Ganun talaga kaming mga babae kapag dinadatnan na, nagiging iritable” “Iritable? May mga kaibigan din akong mga babae, nay ha. Baka nakakalimut ka, hindi sila ganyang magreact” “Iba-iba din ang mga sakit ng mga babae kapag dinadtnan sila, nak. Huwag mo nang pansinin” sambit ni Joyce “Maliit na bagay eh” “Ganon? Bakit mo parati sila pinagtatanggol, nay?” “Hindi ko sila pinagtatanggol, Jeff. Sinasabi ko lang naman ang totoo” Huminga ng malalim si Jeff at umupo sa sofa “Kahit na. Hmmm. Alam mo nay, parang hindi ko gusto ang mga kinikilos kanina ng Jean na yan eh. Parang galit sa atin” “Ikaw talagang bata ka. Ang OA mong mag-isip” sagot naman niya kay Jeff “OA na kung OA, nay. Basta, iba pa din ang nararamdaman ko diyan sa babae na yan. Hindi ko siya feel eh.” “Kumain ka na nga dito, Jeff. Gutom lang yan” “Kumain na po ako sa labas, nay. Kasama si Riley” sabay tayo sa sofa “Matutulog na lang po ako” pumunta siya sa kanyang ina at hinalikan nito sa pisngi “Goodnight nay. Oo nga pala, saan na po sina ate at ang mga kuya ko?” “Pauwi din siguro mga yun, nak. Don’t worry, ako na ang magbabantay sa kanila” “Sige po. Goodnight ulit nanay” Itutuloy….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD