Magsisimula angating kuwento sa ating chinito na bida na si Jeff. Isang second year Marketing student sa isang sikat na Unibersidad sa Iloilo, 18 na taong gulang at 5’7” ang kanyang tangkad at sa kaalaman ng marami, isa siyang bisexual.
Madami din naman ang kanyang naging syota at experience sa babae kung s*x lang ang naman ang pag-uusapan. Naging pilyo si Jeff nung high school siya kasi kung saan-saan lang siya nagsesex katulad sa likod ng gym ng school, sa football field tuwing gabi na walang tao, sa bahay nila o kahit sa lodging house. Pero kahit marami na siyang karanasan sa babae, hindi pa rin siya masaya dito. Parang hindi pa rin kumpleto ang kanyang pagkatao dahil alam niya sa sarili at sa kaibuturan ng kanyang puso na meron siyang pagtingin sa kapwa niya lalake.
Alam na din ng nanay niya at ng tatlong nakakatandang kapatid ang kanyang kasarian at ang tungkol kay Riley. Wala namang kumontra (maliban sa panganay) sa kanilang relasyon basta’t nagmamahalan lang sila dahil mahal na mahal nila ang kanilang bunso.
Singkit ang kanilang mga mata, mapuputi at ang kikinis ng kanilang balat na parang anak mayaman ang apat na magkakapatid dahil may lahi silang intsik.Chinese ang kanilang tatay at purong Pinay naman ang kanilang nanay. Pero sa paglaki ni Jeff, hindi niya nakita o nakilala ang tatay dahil namatay na ito dahil kasama ang kanyang tatay sa nag crash na eroplano noong sanggol pa lamang siya.
Ang panganay sa kanilang magkakapatid ay si Joshua, 28 na taong gulang, may asawa at dalawang anak na babae. Nagtratrabaho bilang Professor sa College na kung saan din nag-aaral si Jeff. Ang pangalawa naman ay isa ding lalake, siya si Jeremy, 25 na taong gulang at isang Registered Nurse sa isang sikat at mamahalin na ospital. At si Jenny ang pangatlo at ang nag-iisang babae, 24 na taong gulang at nagtratrabaho bilang Food and Beverage Supervisor sa isang hotel sa Iloilo.
“Happy Birthday babe…!!” sigaw ni Jeff kay Riley habang papasok ito bahay nila. Sinorpresa niya kasi ito dahil kaarawan ni Riley at gusto niyang maging espesyal ang araw ng kanyang mahal. Nagpatulong si Jeff sa kanyang nanay Joyce at kay Kuya Jeremy niya na maghanda. Linapitan niya kaagad ito at niyakap ng mahigpit “Nasorpresa ba kita, babe? Hehe”
Si Riley naman ay 23 na taong gulang, 5’6” ang tangkad, katamtaman ang pangangatawan, at cute na kamukha ni Arjo Atayde na isang sikat na actor at meron dimple na lumalabas kapag ngumingiti ito, at nagtatrabaho siya bilang call center agent. Nagkakilala silang dalawa sa isang gay-dating site. Si Riley ang kauna-unahang partner ni Jeff na lalake at bilang first-time, ginagawa niya ang lahat para maging espesyal at mas lalu pang sweet ang kanilang relasyon
“Oo. Oo naman, babe. Maraming Salamat” ganti na yakap ni Riley sa kanya “Akala ko nakalimutan mo na eh”
“Makakalimutan? Hinding-hindi mangyayari yon, babe. Dahil mahal na mahal kita”
“Ikaw ha. Napaniwala mo ako kanina na may emergency dito kaya pinapapunta mo ako dito”
“Hehe. Ngayon ko lang naman nagawa na magsinunggaling sa’yo, babe eh” ngiti ni Jeff “Para naman sa’yo nun eh. Sorry na, babe”
“It’s okay, babe. I love you babe”
“I love you too, babe”
Mahigpit ang yakapan ng dalawa sa isa’t-isa. Talagang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Naputol na lamang ang yakapan nang may biglang nagsalita.
“O tama na ang lambingan ninyong dalawa, nak” sabat ni Joyce sa kanila “Sige na, kumain na kayo dito”
Sinunod naman kaagad nila si Joyce at pumunta sa mesa upang kumain na. “Nay, nasaan po si Ate Jenny at Kuya Joshua?”
“Nasa trabaho pa ang ate mo” sagot naman ni Joyce
“E si Kuya po?”
“Andun sa kanyang silid”
“Bakit hindi siya sumali sa atin, nay?”
“Alam mo naman ang rason diba Jeff?” dugtong naman ng Kuya Jeremy niya “Na hindi ka niya tanggap kung ano ang kasarian mo” biglang napayuko si Jeff at napatitig na lamang sa kanyang pinggan. Nakita naman ito ng kanyang kuya at hinimas ang kanyang likod ng paulit-ulit “Ayos lang yan, bunso. Nandito naman kami ni nanay eh”
Sumulyap naman ito sa kanyang kapatid at ngmuti ng kaunti. “Salamat kuya” sambit nito
“Naku. Nagdrama pa oh. Sige na, kumain na tayo dahil iinom pa tayo mamaya” sambit ni Jeremy.
Pagkatapos nila kumain ay kaagad nagtungo sina Jeremy at Riley sa may sala upang uminom ng alak. Samantala naman ay niligpit ni Joyce ang kanilang pinagkainan na kasama si Jeff.
“Brad, ‘wag mo tong saktan at lokohin ang bunso naming ha” sabi ni Kuya Jeremy na may halong biro ang tono ng boses “pag nalaman namin na pina-iyak mo si bunso, malilintikan ka talaga sa amin.”
Natahimik lang si Riley sa sinabi ng kuya sa kanya at bigla naman dumating si Jeff at umupo sa tabi niya. “Hay kuya,’wag mo naman takutin si Riley. Mabait po iyan, hindi lang halata sa mukha. Hehehe.”
“Palabiro ka talaga babe, hehehe. Pero walang halong biro kuya ha. Hindi ko papaiyakin si babe ko. Mahal na mahal ko ‘to eh. Swerte talaga ako sa kanya dahil napaka-sweet eh” sabay kiss at yakap kay Jeff at tumingin sa kuya at napangiti lang si Jeremy sa kanilang dalawa.
“Sana nga brad, sana nga” sagot ni Jeremy habang naglalambingan pa ang dalawa. “tigilan niyo nga yan…. Naiingit ako eh”
Tumayo na si Jeremy at nagpaalam ito na matutulog na. Natira na lang silang dalawa sa sala, ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na rin si Riley na umuwi.
“Uwi na ako babe” paalam niya “by the way, anong oras ka ba uuwi bukas?”
“mga 5pm. Bakit babe?” sagot ni Jeff
“Ahh…susunduin kita bukas ng hapon sa school niyo , ok?” paalam ni Riley
“Sige babe, hintayin mo na lang ako sa bench”
“Ok babe” sabi ni Riley “Uwi na ako. I love you.. kita tayo bukas ha” at hinalikan niya si Jeff sa lips.
“Ingat ka… I love you too” ganti naman niya. Isanara niya agad ang gate nang pagkaalis ni Riley, pumasok na sa kanyang kwarto at natulog.
Kinabukasan
Mga 5:10 nang matapos ang huling period ni Jeff sa pang-hapon na klase at sakto din na naghihintay si Riley sa kanya sa bench. Pinuntahan niya naman kaagad si Riley at agad silang umalis at pumunta ng mall para kumain. Pagkalipas ng tatlo at kalahating oras ay hinatid na ni Riley si Jeff sa kanilang bahay at nagpaalam dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho.
“Oh… bakit ang seryoso ng mga mukha ninyo? May lamay ba?hehe” biro ni Jeff sa kanyang pamilya dahil nandoon silang lahat sa sala na nakatingin sa kanyang pagpasok at tila seryoso. “may kasalanan ba akong nagawa?” muling tanong niya at seryoso na ang kanyang tono.
Napatingin siya sa kanyang kanan at doon niya nalaman na may bisita pala sila na naka-upo. Isang lalake at kasing edad ng kanilang nanay na 53. Sa kabilang upuan naman si Joshua na nakaharap sa lalake na pumapagitna sa kanilang dalawa ang center table. Nakatayo sa tabi niya si Jeremy at sa sofa ang nanay nila na malapit sa tabi ng lalake samantala si Jenny naman ay nagluluto ng kanilang hapunan.
Tumayo ang lalake sa kanyang inuupuan at tinignan si Jeff at bigla niya itong niyakap ng mahigpit. Napatulala na lang siya na tila hindi maisara ang kanyang bibig at matigas na parang bato ang kanyang katawan dahil sa sobrang kalituhan.
“Anak?...Ikaw na ba yan?... ang laki at ang gwapo mo na ah.” wika ng lalake “Miss na miss na kita anak…sorry sa lahat….. sorry kung iniwan ka ni tatay ha”
“Po?” tanging sabi ni Jeff. Hindi siya makapagsalita sa kanyang narinig at nalaman. Buhay pa pala ang kanyang tatay? Pero sabi ng nanay niya, namatay sa isang aksidente. Kasama sa bumagsak na eroplano pauwi ng Iloilo. Bakit ganito? Nagsinunggaling ang kanyang nanay at mga kapatid sa kanya?... Hindi niya talaga naiitindihan ang mga nangyayari.
“Oo anak.. tatay mo siya” iyak ng kanyang nanay.
“Pero sabi niyo po, namatay si tatay sa isang aksidente” sabi ni Jeff habang niyayakap pa din ng kanyang tatay.
“Oo.. nasabi ko lang sa’yo iyon kasi ayoko na magtanim ka ng galit sa tatay mo” paliwanag ng nanay na tumutulo ang luha.
“Bakit? Ano ba ang nagawa niya sa atin nanay?” tanong ni Jeff
“Iniwan niya tayo kasi may bago nang pamilya ang tatay mo” muling paliwanag niya sa kanyang anak “Pasensiya na anak kung inilihim ko ang tungkol sa tatay mo”
Tumingin si Jeff sa kanyang nanay at doon na bumagsak ang kanyang luha. Tinanggal niya ang mga braso ng kanyang tatay na yumayakap sa kanya. Lumabas siya ng gate at doon humagolhol ng iyak sa semento. Sinundan siya ng tatay at umupo sa tabi niya.
“Bakit mo kami iniwan?” ang tanging tanong ni Jeff na may halong galit at sakit ang tono ng kanyang boses at sabay punas ng luha malapit sa ilong. “Sana katanggap-tanggap ang mga dahilan mo para mabawasan lang ng konti ang sakit ng ginawa mo sa amin”
“Kailangan ko ‘yon gawin anak. Hindi ko naman ginusto na iwan kayo” sagot ng tatay at kwinento niya kay Jeff ang mga nangyari.
Kwinento nga ni William kay Jeff ang totoong nangyari sa kanila ng kanyang nanay. Lalung-lalo na ang pagpakasal niya kay Ming na pinilit ng mga magulang niya na pakasalan ito sa kabila na may asawa siyang naiwan sa Pilipinas.
“So, Ming pala ang pangalan ng kabet at bago mong asawa ngayon” sabi ni Jeff
“Hindi anak…patay na siya…namatay siya nung nasa China pa ako” sabi ni William sa anak habang umiiyak sa naalala. “Hindi ko alam kung bakit siya namatay pero sinisi ko ang nanay mo sa pagkamatay ni Ming at ganun din ang dahilan kung bakit ko siya iniwan at naghanap ng bago.” Tinignan niya ang kanyang anak na matapos itong sabihin. Nakita niya na nanggigigil at tumutulo ang luha ng Jeff. Handa na siya sa anumang sasabihin ng galit na anak.
“At ganun lang kadali sa’yo na maghanap ng iba? Ang gwapo din ng tingin mo sa sarili noh? Parang tuta kami na kaya mong iwan at babalikan lang kung kailan mo gusto…” galit na galit na si Jeff sa ginawa ng kanyang tatay na tila nawalan na siya ng respeto. “Alam mo… noong elementary ako, naiingit ako sa mga kaklase ko kasi kasama nila palagi ang kanilang ama. Inahatid…nayayakap kung kailan nila gusto… at hinahalikan ng kanilang ama. Pero ako?” patuloy pa sin ang pag-iyak ni Jeff “Wala... nasaan ka nung may mga problema ako sa mga nagiging girlfriends ko na para magbigay ng payo?...Diba WALA??... at nasaan ka nung kailangan ko ng yakap ng isang ama?.......... Si nanay lang LAHAT ang gumuwa nun.”
“Jeff….anak….” yayakapin sana ni William ang kanyang anak ngunit tumayo ito para makaiwas.
“Wag na wag akong tatawagin uli na anak… kahit minsan hindi ka nagpaka-ama sa amin” Pumasok agad si Jeff ng bahay habang umuwi na lang si William sa kanila, kasama ang bago niyang pamilya.
***
Walang nagawa si William sa galit na galit niyang anak. Nagdesisyon na lamang siya na umuwi na lang sa kanilang bahay ng bago niyang pamilya. Hinayaan niya lang muna ang anak na si Jeff ng panahon para maintindihan at mapagtanto ang totoong nangyari ng kanyang nanay.
Natalie ang pangalan ng kanyang bagong asawa, mas bata sa kanya ng sampung taon, maganda at sexy manamit. May isang anak sila na babae na si Jean, 15 ang edad at nagmana siya sa kanyang ina na maganda at sexy na parang artista.
“Hello honey…..” bati ni Natalie at hinalikan niya ang asawa na kakaupo lang sa sofa at kakauwi lang mula sa biyahe “Kamusta pala ang pagbisita mo sa kanila? Pinatawad ka na ba nila pagkatapos ng ilang taon?”
“Oo…pinatawad naman ako pero maliban sa isa” sagot ni William na may kalungkutan sa mukha.
“Sino?” balik na tanong ni Natalie
“Si Jeff… ang bunso kong anak… ngayon lang niya kasi nalaman na buhay ako at ang dahilan kung bakit ko sila iniwan.”
“Naiintindihan ko si Jeff kung ganyan ang kanyang reaksyon hon, pero tatay ka pa rin niya. Darating ang panahon na mapapatawad ka din ng anak mo” sabay punas sa luha ni William “Huwag kang mawalan ng pag-asa, hon… mahal na mahal kita”
“Mahal na mahal din kita hon” sagot niya sa asawa “Salamat sa pag-intindi mo sa akin ha. Pati kayo nadamay sa katarantaduhan ko” ngumiti lang si Natalie at hinalikan si William sa labi.
Itutuloy…