“Nay…” yakap ni Jeff sa ina “tahan na po” “Hindi mo ako naiintindihan Jeff eh. Mahal ko pa rin ang tatay mo sa kabila ng ginawa niya sa akin noon. Hindi ko talaga matatanggap na patay na siya” “Alam ko naman po yun, nay. Pero maging malakas ka. Andito pa kami ng mga anak mo” sabay din ang pagtulo ng luha ni Jeff “Mahal ko din si tatay, nay eh. Kahit hindi niya ulit tayo naipaglaban. Kahit na papaano, siya pa rin ang ama ko” “Ang bilis lang talaga ng mga pangyayari, Jeff. Nung isang araw, kasama pa natin siya sa presinto. Ngayon, patay na siya” “Naiintindihan ko po yan, nay. Ako din naman eh” dugtong ni Jeff “Hayaan mo nay. Pupunta tayo dun sa kanila. Bibisitahin natin si tatay” Napatingin si Joyce sa anak sa kanyang sinabi at sa magiging desisyon ng anak “Huwag anak. Alam mo n

