CHAPTER 11

2654 Words

NAPAPIKIT AKO NG MARIIN dahil narinig ko na naman ang boses ni Claver. "Hoy! Leexiya! Bakit mo ako iniwan doon?! Kinakausap pa kita." Hindi ba siya nakakaintindi o nakakapansin na ayaw ko siyang kausap? Nakikita ko sa kanya 'yung demonyong 'yon. Ayos lang sana kung hindi sila magkamukha. "Uy, Leexiya!" pangangalabit niya sa akin. "Ano ba?! 'Wag mo nga akong kulitin!" Hindi rin yata sya nakakaramdam sa pagkairita ko, ngumiti lang siya ng malapad. "Tara laro tayo, naiinip ka ba?" "Ayoko," sagot ko at tumingin ulit sa maraming puno, namilog ang mata ko at umatras. Bigla akong napakapit kay Claver, para kasing may sumisilip, tapos pula 'yung mata. "Oh, Bakit? Sabi na eh hindi mo ako matitiis!" Natatawang biro niya ngunit hindi ko siya pinansin. Binitawan ko siya at nagpanggap na parang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD