Pagbalik ko sa loob ng bahay ay wala na si Cherry sa sala, kaya dumiretso na rin ako sa kwarto. Nakaupo siya sa dresser at kaagad nagpunas ng luha nang makita ako. Nginitian ko siya at tinulungan tuyuin ang kanyang buhok. “Reynan…thank you. Lagi kang nand’yan. Lagi kang dumating kapag kailangan ko ng tulong.” Malungkot niya akong tinitigan sa salamin. “Cherry, asawa kita. Mahal kita. Obligasyon kong ipagtanggol ka sa mga taong nang-aapi sa’yo.” Tinulungan ko siyang tumayo at pinihit iharap sa akin. “Sige na, magpahinga ka na. Pilitin mong ‘wag isipin ang nangyari kanina.” Giniya ko siya papunta sa kama. Kinumutan ko at tumabi na rin ako sa kanya. “I can’t sleep…pinipilit ko na ‘wag isipin, pero…” “Hindi ka makatulog?” Nilapat ko ang palad sa pisngi niya, hinaplos-haplos ang kanya

