Sandali kong napigil ang aking hininga nang makita si Cherry na nakatitig na sa kamay ko na hawak pa rin ang kamay ni Riza. Ngunit imbes na kabahan ako dahil nakita niya kami. Natuwa ako. Seryoso siya. Ni konting ngiti ay hindi niya ginawa. Parang nagseselos. Buong pagpipigil ko na hindi ngumiti, pero puso ko, dumadagundong na sa tuwa. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ni Riza at tuluyang binitiwan. I saw the flash of hurt and embarrassment in her eyes. Napatingin din siya kay Cherry at nahihiyang ngumiti. Dapat lang siyang mahiya. Alam niyang galit ako, pero nagawa pa rin niya akong hawakan. Tinalikuran ko siya at lumapit ako kay Cherry at sabay naming hinarap si Riza habang hawak ko na ang kamay niya. Ramdam ko ang ilang niya. Medyo nanginig ang kamay, pero hindi naman niya binawi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


