Binabasa ko lang ang minsahe ni George, pero parang naririnig ko mismo mula sa kanyang bibig. Parang naririnig ko kung paano kadiin at katigas ng bawat bigkas niya sa mga salita. ‘Yong na nararamdaman ko kaninang kaba, mas lumala pa. "Ano? Pupunta ka? Susundin mo na naman ang utos ng hayop na ‘yon?" Napalingon ako kay Reynan. Nakakunot ang kanyang noo habang hawak ang aking cell phone na inagaw niya kanina. Tahimik akong napatitig sa kanya. Nalito ako kung ano ang aking isasagot. Sa loob-loob ko, gusto kong makita si Tita Izabelle, kaya lang, pay parte rin sa akin na nagdadalawang-isip. "Kung pupunta ka, sasama ako,” diretsong sabi ni Reynan. Napakagat ako sa labi. Agad-agad na buo sa isip ko ang magulong eksena kung sakaling magkita na naman si Reynan at George. "Ayaw kong magpunt

