A month after ng anniversary namin ni Rori, umuwi ako ng Palawan to take care of our businesses there. Si Rori naman ay kasalukuyang gumagawa ng thesis niya kasama ang group mates niya sa Quezon province. Gusto ko nga sana sumama dahil nalaman kong kasama ni Rori sa grupo yun' Lee na nanligaw kay Rori noong first year college pa lang sila. Kilala ko yun Lee na yun. Yuon yun' kolokoy na gusto kong bugbugin noon, kungdi nga lamang ako mabubuko ni Rori. Pero sabi ni Rori pagkatiwalaan ko siya kaya huwag akong mag-alalala. Sa isip ko, I trust her. Sa kolokoy na Lee na yun' ako walang tiwala. At dahil sa praning ko, kinausap ko si Paul at nagtanong kung merun ba siyang kilalang pulis sa Quezon. Kasi kung merun, ipapa-monitor ko yun' grupo ni Rori, lalo na yun' Lee na yon. Sabi ni Paul, bigyan

