DECEMBER 25 ang target date ng kasal namin ni Rori, pero napagdesisyonan namin na ipostpone ang wedding this year because of Granny's passing. Pinag-usapan namin ni Rori iyon habang papunta kami sa Manila Memorial Park. Hindi ako naniniwala sa sukob, pero bilang pagrespeto kay Granny at dahil nagmo-mourn kami sa pagkawala ni Granny, ay minarapat namin na palipasan muna ang isang taon bago kami ikasal ni Rori. Nanghihinayang si Rori sa pag-give up ng venue dahil nahirapan talaga siyang makakuha ng reservation sa Tagaytay lalo pa't December 25 iyon, Christmas day. Gayunpaman, wala naman kaming magagawa dahil wala rin naman kasing malakihang celebration sa aming pamilya para ma-utilize ang venue this December. Base nga sa timetable ko, manganganak si Rori ng February, tapos birthday din ni

