Truth
The rain covered the surroundings.
The shock in the eyes of them was irreplaceable. The moment that she opened her eyes was the best moment to her.
"Euphie!" sigaw ni Daphne kay Euphie. Humagugol sa pag-iyak si Euphie at si Erin. Pinag halong saya at lungkot ang nararamdaman nila ngayong.
They can't believe that Euphie opened her eyes. Ilang buwan narin nakahiga si Euphie sa hospital. They said she's in coma kaya naman masayang masaya sila ngayong na gising na si Euphie.
Euphie opened her eyes. Sumulabong sa kanya si Daphne at Erin at ang tita nito na nag a-alaga sa kanila noon.
"Euphie may nararamdaman ka ba? May gusto ka ba?" tanong ni Erin. Hindi umimik si Euphie sa kanya at nanatiling nakatitig sa putting kisame. Hindi rin nito ma I-galaw ang kanyang katawan.
Hinayaan nila na makapag pahinga si Euphie gaya ng sabi ng doctor. Natutulog ng mahimbing si Euphie at pinagmamasdan lamang siya nila Erin at Daphne.
"Hanggang ngayong ay hindi pa rin nakikita si Clyde," ani ni Erin. "Nag a-alala na ako ng sobra," dugtong pa ni Erin.
"Sana mahanap na si kuya Clyde, hindi rin magugustuhan ni ate na malamang nawawala pa rin si kuya Clyde hanggang ngayong," sagot ni Daphne kay Erin. Tumango naman si Erin bilang pag sang -ayon sa kanya.
Ilang buwan ang nakalipas at nakalabas na si Euphie sa hospital.
Ma ayos-ayos narin naman ang kanyang kalagayan. Iyon nga lang ay tahimik si Euphie at madalang mag salita at madalas ayaw nitong kumain.
"May nararamdaman ka ba Euphie?" tanong ni Erin.
Umuling siya.
"Ang tahimik mo pa rin kasi hanggang ngayong, parang ang daming gumugulo sa isip mo. Ayos ka lang ba talaga?" tanong muli ni Erin.
"Hindi pa rin nahahanap si Clyde?" tanong ni Euphie sa kanya at mabilis naman siyang tumango bilang sagot.
"Oo, Euphie."
"Gusto ko ng makapag pahinga Erin," ani ni Euphie.
Tumango si Erin sa kanya at sinamahan na siya sa pag akyat sa kwarto niya.
Napabuntong hininga si Euphie at nahiga sa kama. Lumilipad na naman ang isipin niya sa kung saan. sa mga katanungang bumabagabag sa kanya. Sa mga panaginip na napapanaginipan niya na animo'y totoo lahat.
Ang huli niyang na aalala ay pumunta siya sa Misas park at nakipag kita sa isang lalaki. Pag katapos no'n ay hindi na niya alam pa ang nangyari. Hindi niya rin alam kung nakita nga ba niya ang lalaking iyon o kung nakapag usap ba sila.
ABEIR-TORIL WORLD
"Nasaan siya?" Nag a-alalang tanong ni Drix sa mga kasambahay.
"Mahal na prinsipe at Mahal na Qeaya, hindi po namin alam kung saan nag punta ang mahal na Hera. Pumasok ako sa kanyang kwarto upang gisingin siya ngunit wala na siya roon. Paumanhin po," sambit ng isang kasambahay. Napasapo sa kanyang noo si Drix. Lumabas naman si Lawson upang hanapin si Euphie.
Alam ni Lawson sa kanyang sarilina hindi basta-bastang aalis si Euphie ng ganon na lang. Nag punta na rin siya kay Rey at wala siya roon.
Maging si Rey ay nag lakbay upang hanapin si Euphie.
Labis labis na rin ang pag a-alala ni Lawson dahil hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin. Napatigil si Lawson sa pag papatakbo ng kabayo ng may panang umatake sa kanya.
Mabilis siyang bumaba mula sa kabayo at pinakiramdaman ang paligid.
Muli nanaman siyang inatake ng isang pana at nahawakan niya iyon. Na amoy niya ang lason sa dulo nito. "Lumabas ka kung sino ka man!" sigaw niya.
Mabilis na tumakbo si Lawson ng mahagip ng mata niya ang pag takbo ng isang nilalang. Tumalon siya sa mga puno at mabilis na tumalon sa harapan ng nilalang na iyon at sipain sa kanyang paa.
Mabilis naman na tumayo ang nilalang na kinakalaban ni Lawson at muling tumakbo.
Mabilis na nawala iyon sa paningin ni Lawson. Hindi alam ni Lawson ang gagawin dahil gumamit na iyon ng mahika.
Muling nag patuloy si Lawson sa pag hahanap kay Euphie. Inabot na rin siya ng gabi sa pag hahanap ngunit ni anino niya ay hindi man lang nakita ni Lawson.
He decided to go back in their palace. Habang pabalik ay nakita niya na rin ang mga imahe ni Euphie sa mga puno sa mga tirahan na senyales na hinahanap ang taong iyon.
"Hindi ko siya nakita," ani ni Lawson. Napapadyak sa inis si Drix. Nasa palasyo rin nila si Rey na nabigo rin sa pag hahanap kay Euphie.
Biglang pumasok sa isip ni Lawson ang madalas na sinasabi sa kanya ni Euphie na mundong pinag galingan niya.
Naisip tuloy nito na baka bumalik na ang dalaga sa kanilang mundo kaya hindi nila ito mahanap. O di kaya...
"Sa tingin niyo ba ay nakuha siya ng Anchrome?" tanong ni Selene.
"Maari! Ang Anchrome lamang ang may interest sa kanya. Wala ba tayong gagawin prinsipe Wheyt? Tiyak na kapag nakarating ito sa Osses ay malalagot tayo!" ani ni Drix. Hindi umimim si Wheyt. Hindi siya makapag isip ng dapat gawin. Ngunit iisa lang ang matino sa kanyang isipan.
Kailangan nilang mahanap si Euphie at masiguradong buhay at ligtas.
"Lusubin natin ang Anchrome," may diing sambit ni Drix.
"Ngunit kuya! Maraming madadamay!" ani ni Selene.
"Hindi tayi maaring mag umpisa ng digmaan, Drix." sambit ni Lawson.
"Wala kang pake alam? Dahil hindi mo naman talaga mahal si Constance diba? Kinuha mo lang ang loob niya para mas lalo akong inisin. Hayop ka!" ani ni Drix at malakas niyang sinuntok si Lawson.
Naapsubsob si Lawson sa sahig dahil sa lakas ng pag ka-kasuntok ni Drix sa kanya. Mabilis na pinunasan ni Lawson ang dugo na nasa kanyang labi at tumayo.
"Wala kang alam kaya manahimik ka," ani ni Lawson sa kanya.
"Sige, mag away kayo jan ha. At wag niyong hanapin si Euphie. Sunod sunod na nga ang problema tas dadagdag pa kayo?" iritadong sambit ni Selene.
"May kilala ako sa loob ng palasyo, maari siyang maging espiya at malalaman natin kung naroon nga ba si Euphie." ani ni Prinsipe Wheyt at nag lakad na palayo sa kanila at nag tungo sa kanyang silid.
"Mauuna narin ako, muli akong tutulong sa pag hahanap bukas," ani ni Rey. Masamang tumitig sa kanya si Drix. Hindi umimik si Lawson at nag deretsyo sa pag lalakad palabas ng palasyo.
Kinabukasan ay muli silang nag patuloy sa pag hahanap. Muli ding inimbistigahan si Selene patungkol sa kanyang kinasangkutan sa pag kamatay ni Aeris na hanggang ngayon wala pa namang matibay na ebidensya na siya nga ang gumawa.
Mas lalong lumaki ang hinala kay Selene ng ipilit ni Prinsipe Wheyt na itigila ang pag i-imbestiga sa kanyang kapatid.
"Alam niyo na hindi ko yon magagawa kay Aeris," sambit ni Selene at napairap.
"Pero kuya sana naman hinayaan mo silang imbestigahan ako. Wala silang makukuha sa akin, dahil hindi naman ako ang pumatay--"
"Pero ikaw ang ang utos hindi ba?" tanong ni Prinsipe Wheyt. Hindi umimik si Selene. She remained silent at ilang minuto pa ay napangisi siya.
"Walang duda na kuya nga kita," ani ni Selene at lumabas ng kwarto.