Lianne was getting tired of her admirers. Araw-araw na lang, may bulaklak, chocolate, love letters at kung anu-anong basura ang naghihintay sa labas ng pintuan ng apartment niya. Noong umpisa, ayos lang sa kaniya ang mga 'to. Pero nang napagtanto ni Lianne ang rason ng mga taga-hanga, hinangad niyang litikin isa-isa ang mga walang kwentang lalaking 'yon. They said they liked her because she was beautiful. That's it. Ibig sabihin ba nito kung hindi siya maganda, walang lalaki ang magkakagusto sa kaniya? Paano na lang 'yung iba? 'Yung iba na hindi nga kagandahan para sa paningin ng iba pero may tinatagong magandang katangian? Ang kagandahan ba ng isang tao ay hanggang sa pisikal na anyo lamang? These boys want her as an arm candy. Not as a person beyond that beauty. For that, she despis

