Kanina ko pa napansin ang mabilis na pagdami ng nakalibing dito. Nabalitaan ko na rin na sarado na ang sementeryong ito mula sa mga taong nais pang maglibing. Ang nakalibing sa harapan ko ngayon ay ang nag iisa kong nakakatandang kapatid. Ang Kuya ko, si Kuya Shintaro, naging mabuti siyang tatay, kaibigan, kalaro, at...lahat na yata! Paano ba naman, ipinanganak kami na hindi man lang namin nakilala ang aming mga magulang. Iniwan lang kami ng mga ito sa tapat ng bahay ampunan ng sanggol pa lang kami. Fraternal twins kami, kaya hindi kami magkamukha. Mas gwapo syempre ako. Ito rin ang dahilan kung bakit malaki ang pagpapahalaga ko sa tema ng pamilya. Sapagkat kung may pamilya lang sana ako simula nung una pala lang, siguro hindi ako naging ganito. "Sorry kung ngayon lang ako napadalaw

