[Cirin...] "This is the best day evahh! Inakala kong hindi na 'to mauulit! Yiee I'm so happy!" pangungulit sa akin ni Zerija habang naghihiwa ng sibuyas at ako'y nakaupo sa opposite side niya. "..ano na naman 'yan Zerija?" tanong ko sa isang pagod na tono. Nakakapagod talaga ang babaeng 'to oh! "Na maipagluluto kita ulit! Huhuhu! I'm so happy. Huhuhuhu!" Drama talaga. Nagpanggap pa na umiiyak eh—ay umiiyak pala talaga. Kinuskos ba naman kasi ni gaga 'yung kamay na pinang hawak niya doon sa sibuyas. Spell tanga. Pagkatapos nung madramang reunion kanina, isinama nila ako dito sa apartment ni Zerija. Hindi na naman kasi pwede doon sa bahay namin. Saan ka pa titira doon eh samantalang wasak-wasak na? Napatingin ako dito sa baliw na babae na umiiyak dahil sa hinihiwa niyang sibuyas. Maglu

