Nakakaawa naman pala ang Mom ni Theo and at the same time ay nakakaawa rin si Theo. Biruin mo, wala siyang kakampi sa pagtatanggol ng sarili niya dahil sarili niyang Ina ay hindi siya inaangkin bilang anak. "B-bakit pala hindi magawang lumaban ni Theo? I-i mean he's the C.E.O. kaya dapat ay siya ang namumuno--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Adrian. "Gaya nang sinabi ko ay kahit na C.E.O. si Theo ay hindi ibig sabihin no'n ay makapangyarihan na siya. Malaki man ang pera na nakukuha niya rito sa kumpanya pero hinding hindi niya makukuha ang respeto sa kaniya ng mga relatives niya. Kahit ako ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi siya lumalaban sa kanila but one thing is for sure, he has a reason kaya hindi niya magawang lumaban at hinahayaan niya lang sila na api-apihin

