"Kumusta naman? Tataasan ba nila ang sahod mo dahil nanatili ka sa office niyo ng tatlong araw?" tanong ni Mama. Kaya naman pala ang laki ng ngiti niya sa'kin dahil iniisip niya na makakatanggap ako ng bonus dahil sa akala niyang pananatili ko sa office ng 3 days. Hindi nila alam na na-hospital ako dahil kung natatandaan niyo ay sinabihan ko si Ate Jennifer na huwag sabihin sa kanilang na-hospital ako at sabihin na lang niya sa kanila na mag-iistay ako sa office ng 3 days dahil may kinakailangan akong tapusin. "Huwag po kayong mag-alala ma, may matatanggap po akong bonus," pilit na ngiting sabi ko kay Mama. "Buti naman ay may bonus silang ibabayad sa'yo at dapat lang ay bayaran ka nila dahil sa pag-iistay mo ng tatlong araw sa office niyo. Sakto nak, may gusto pa naman akong bilhin na

