Halos tumalon na'ko paalis ng kama at kaagad na nagpalit ng susuotin. Kahit na ano na lang ang madampot ko sa damitan ko ay iyon na lang ang sinuot ko. Naka t-shirt lang ako at naka-pants at kung anong tsinelas na lang ang una kong nakita ang sinuot ko and then bumaba na kaagad ako. Napatingin ako sa orasan namin sa sala at ala-una na ng madaling araw. Pwede bang matulog na lang si Theo?! Bakit ba kailangan niya pa ng s*x ngayong oras?! Gusto ko mang mabadtrip ay kaagad ko itong tinigil dahil nakipagkasunduan nga pala ako sa kaniya. Kinuha ko muna ang susi ng gate at ang susi ng pinto namin na nakasabit sa sabitan namin ng mga susi rito sa sala at pagkatapos ay kaagad akong lumapit sa pinto namin. Bago ako lumabas ng bahay ay ni-lock ko muna mula sa loob ang doorknob nitong pinto and n

