Huminga ako nang malalim at tinarayan muna siya bago magsalita. "Okay payag na'ko," sabi ko. Napangiti naman siya nang malaki dahil do'n at akmang tatayo na ngunit pinigilan ko siya. "Magkano muna ang sasahurin ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya. "1 million a month, kung gusto mong taasan ko pa ay magsabi ka lang," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napatayo. "Isang milyon kada buwan?!" gulat na tanong ko. Napatakip naman siya ng tainga niya dahil sa malakas na boses ko. "Why? Is that too low?" he asked at tinanggal ang mga kamay niya sa mga tainga niya. "Are you crazy?! Mababa na sa'yo ang 1 million?! Gaano ba kalaki ang pera mo at para bang piso lang sa'yo ang isang million?!" sabi ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at yumuko lang siya na para bang nagpipigil siya kaya naman tinan

