Chapter 8

2118 Words

"Oo nga pala, ano'ng pinag-usapan niyo ni Sir Theo, may kinalaman ba ang pag-uwi mo sa pinag-usapan niyo kahapon?" tanong ni Ate Jennifer. "W-wait lang p-po ah, may pupuntahan lang po ako, sasagutin ko po mamaya ang mga katanungan niyo," sabi ko kay Ate Jennifer. Nilapag ko ang bag ko sa table ko rito sa office at pinanood lang ako ni Ate Jennifer na lumabas nitong office. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 45th floor dahil nandoon ang office ni Theo. Gusto ko siyang makausap. Nang makarating sa 45th floor ay sumalubong sa'kin ang mga bodyguard ni Theo nang bumukas itong elevator. Apat silang sumalubong sa'kin pagkabukas ng elevator. "Ano'ng kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ng isa sa mga bodyguard ni Theo. "G-gusto ko lang pong makausap si Sir Theo," sabi ko sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD