Mataman na pinagmasdan niya ang natutulog na si Nhovie. Sa anyong lobo niya ay nagpanggap siya bilang si Troi. Nagpapasalamat siya at may hawig sila sa kulay ni Troi,ang alaga nitong aso. Bahagya siya kinabahan kanina habang sinisipat siya ng dalaga. Alam niyang mas malaki siya kay Troi at mahaba ang balahibo kumapara dito pero mabuti na lamang hinayaan na lang ng dalaga na panatilihin madilim ang paligid nila. Hindi din naman gusto na saktan at paasahin ito. Ito nga pinangahasan niya na magpanggap bilang si Troi para lamang makita niya ang dalaga. Araw-araw lagi niya iniisip ito. Hindi naman niya magawa magstay sa kabilang bahay dahil may pangamba siya na baka..baka kapag nakita siya nito tumakbo na lamang ito. Ayaw niya masaksihan iyun. Maingat siya bumaba mula sa pagkakasampa niya s

