Talk now,men! Alingawngaw ng inner wolf niya. "Can we talk?" usal niya pagkaraan ng ilang saglit. Nakita niya ang pagsingkit ng mga mata nito. Alam naman niya galit ito sa kanya kaya hindi na siya magtataka kung tatanggi ito sa kanya. Humalukipkip ito at buong tapang na nakipagtitigan sa kanya. "Naisipan mo ata magpakita sakin ngayon?" mataray nitong saad. Bigla siya tinubuan ng pag-asa ng masense niya na mali ang akala niya. "Gusto lang kita bigyan ng oras.." aniya. Tumikwas ang isang kilay nito. "Sa tingin mo nakakatulong doon ang paglalagay mo ng mga rosas tuwing umaga sa pintuan ko?" mataray pa rin nitong turan. Sinupil niya ang nararamdaman pagkamangha sa inaakto nito. "Sana nga," saad niya. Umismid ito. "Pwede na ba tayo mag-usap ngayon?" "Nag-uusap na tayo di ba?" tugon

