Hindi siya makatulog. Dinadamdam niya ang pagkadismaya niya. Nagsisisi talaga siya na pinili niya ang pang-anyaya nito kaysa sa naunang plano niya pagsama sa kababata niya. Para nga siya maiiyak kanina kasi mas nakita niya sa malapitan kung gaano kaganda ang babaeng kasama ng lalaki. Napaismid siya ng maisip yun. Eh ano ngayon maganda sa kanya ang babaeng kasama nito? Hindi naman sila,kaya bakit siya makakaramdam ng insekyuridad? Hindi siya ganun sa mga kalahi niyang eba pero iba ngayon. Marahas siya napabuga ng hangin. Bumangon siya. Magpapahangin na lang muna siya. Tinungo niya ang balkonahe niya at doon tumambay siya para magpaantok. Pinilit niya hindi lingunin ang kanilang bahay. Tss,wala na akong pakielam sa kanya! "Ako ba ang pinili mo kaya hindi ka sumama kay Alvin?" Napaig

