Pinagmasdan niya ang manghang-mangha anyo ni Nhovie habang nililibot ng paningin nito ang kabuoan ng rest house nila sa Baguio. Napapalibutan ng Pine tree ang bahay. "Madalas ba kayo dito nagpupunta?" saad nito pagkaraan. "Madalang...sa abroad kasi ang trip nina Mommy at Daddy.." tugon niya. "Madalas,ako ang nandito,"dugtong niya. Tumango-tango ito. " Salamat,hindi ko talaga inaasahan na magkakaroon ako ng libreng tulugan saka pamasahe,"anito. "Anything for you,Nhovie.." matiim niyang saad dito. Isang nahihiyang ngiti ang tinugon nito sa kanya. "Sa unang pinto ang room mo,magpahinga ka na muna ,maghahanda ako ng tanghalian natin," aniya. "Okay,sige.." anito. Nakalkal na niya ang dala niyang duffle bag pero wala talaga roon ang phone niya. Naiwan pa ata niya sa bahay. May tawag

