Wage's POV "Pia!" malakas na sigaw ko at ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Mabilis ko itong dinaluhan at pilit na pinamumulat ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagdaloy ng dugo sa noo nito at sa pagitan ng mga hita nito. Walang sabi-sabing binuhat ko ito sa aking bisig at lakad takbong lumabas ng bahay. Nakita ko pa ang mga kaibigan ko na kasama ang mga magulang ni Pia pero agad kong isinakay ang walang malay na babaeng mahal ko sa kotse at mabilis itong pinasibad papuntang ospital. "Please, sweetie. Wake up. Don't leave me." naramdaman ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa magkabilang pisngi ko. I feel numb right now and I can't think about clearly. Ni hindi ko na alam kung paano ako nakarating agad sa ospital at binuhat ito papasok. "Plea

