Kinabukasan ay maaga akong tumayo para umiwas kay Wage. Pagkatapos kasi ng nangyari sa amin noong isang gabi ay agad ko itong itinulak palabas ng kwarto ko. Hindi ko din ito pinagbuksan ng pinto kahit pa magkakatok pa siya doon. Kahapon din ay hindi ako lumalabas ng kwarto ng basta-basta lang. Kapag alam kong nasa malapit lang siya, agad akong nagkukulong dito sa kwarto at kakausapin na lamang si Nanay Minda. Hindi ko lang kasi alam ang magiging reaksyon ko sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Para kaming mga tanga sa ginagawa namin at isa pa ay hindi ko na naman nagugustuhan itong nararamdaman ko. Napagtanto ko kasi na hindi naman ako ang babaeng mahal niya. Na kailangan ko ng putulin ang kahibangan ko na baka magkaroon na ako ng pag-asa na sana sa akin naman matuon ang pansin niya.

