CALLIFER’S POV Biglang nawalan ng malay si Angela dahilan para mabilis ko syang masalo. Inuwi ko muna sya sa bahay at saka inihiga sa kama. Hindi naman tumutol sila Yanna sa ginawa ko at ng maihiga ko sya ay saka ko ibinukad ang pakpak ko saka napatingin sa salamin. Habang wala ako sa tabi nya ay gumagawa naman ako ng paraan para tuluyang maging isang anghel para sa kanya. Hindi ko alam hanggang kailan ito magtatagal pero kinakailangan kong magtiis para sa kanya at para kasama ko na sya. Hinawakan ko ang pisngi nya at saka ako ngumiti at iniwan muna sya sa k’warto. Nang iniwan ko sya ay saka ako pumunta sa isang sikretong k’warto kung saan nakatago ang isang mahalagang gamit na kinuha ko mula sa mga anghel. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko sa oras na malaman ni Angela ang t

