AILEEN’S POV Kinakabahan ako at gusto kong maihi dahil sa kaba. Nang tinawag na ang pangalan ko ay saka ako naglakad papunta sa gitna. Hindi ko aakalain na sasali ako sa ganitong pageant at lahat ng mga course mate ko ay kinakailangan ako ngayon. Hindi rin naman ako makatanggi at baka ako pa ang mapasama kung magkataon. “Oh? Miss, Aileen Gonzaga? Why are you the representative of BA course?” tanong no’ng dean. “I’m sorry but our representative was got an accident.” “Oh, is she fine?” “I don’t know but I think she’s fine.” Nakangiting sagot ko. Hindi ba nila sinabi na nagkaro’n ng aksidente? Gano’n pa man ay huminga ako ng nalalim at saka ako ngumiti sa kanila at saka nilakasan ang loob ko. Bakit ba kasi ako pumayag kahit alam ko sa sarili kong hindi rin naman

