ANGEL’S POV Nang magising ako kinabukasan ay nangunot ang noo ko ng makita ang mukha ng isang pamilyar na lalake sa harapan ko. “Bakit parang kamukha nya si Calli?” takang tanong ko sa isip ko. Pumikit ako ulit sa pag-aakalang panaginip lang iyo at guni-guni pero mula sa harapan ko ay nakamulat na sya at nakangiti na sa akin. Napasinghap ako ng akmang lalapit sya sa ‘kin at agad kong hinarang ang kamay ko sa dibdib nya. Napapikit pa ako ng mariin ng gawin ko iyon. “Good morning my lady,” bati nya sa ‘kin ng nakangiti. Agad kong binawi ang kamay ko at saka ako tumayo at saka ko sya tinuro. “Ho-hoy anong ginagawa mo sa k’warto ko?” tanong ko sa kanya. “Wala ka bang naalala kagabi?” tanong nya na syang ikinakunot ko ng noo at saka ako napatingin sa suot ko at kumpleto

