THIRD PERSON’S POV Nang magising si Angela ay nakita nyang nakaupo sa tabi nya si Callifer at hinihimas nito ang kanyang buhok. Ngumiti sya dito at saka nya ito niyakap at si Callifer naman ay ngumiti rin sa kanya. Hindi ni Angela alam ang mga nanyayare sa mga tao ngayon sa mundo. Dahil sa paglipas ng panahon ay mas nagiging mas grabe sila at tila hindi na matawaran pa. Ang kanilang pagiging sakim ay umaabot sa pagpatay ng tao o kaya naman ay pagnanakaw. May isang simbahan na ginawa para sa isang Diablo. Ang ganitong simbahan ay pinaniniwalaan ng ibang tao na mas makapangyarihan ang demonyo kesa sa Dyos. Sa pagkakataon na ‘to ay kumakalat na rin ang iba’t-ibang uri ng mga halimaw na nagpapanggap na tao. Ang iba pa nga’y pinamumunuan na ang mga tao na para bang sila ang hari ng buo

