Chapter 104 BEVERLY… NATATAKOT AKO para sa mga anak ko, wala pa rin kami balita sa baliw na Celine na ‘yon. Hindi ko naman siya gustong tawagin na baliw. Pero kasi totoong baliw siya, kung bakit naman kasi hanggang ngayon nakakawala pa rin siya. “Wala bang ginagawa ang mga magulang niya? hindi ba nila alam na nakakasakit na si Celine ng tao? Hindi ba nila alam kung ano ang ginawa ng anak nila sa akin?” tanong ko kay Calix. Noong isang araw pa niya sinabi sa akin na nawawala si Celine. Pero hanggang ngayon may takot pa rin ako sa pwede niyang gawin. “Wala nang mga magulang si Celine, I don’t know why? Pero nang makilala ko siya, kasa-kasama siya ni Daddy. Wala na akong nakilalang mga magulang niya, wala rin siyang kahit na sinong kamag-anak.” Nakakapagtaka naman ‘yon, imposible naman

