Chapter 85 CALIXTRO… FLASHBACK… THE NINE YEARS OLD CALIXTRO… “I told you, whenever I’m here you’ll be naked!” dumadagondong ang malakas na boses sa buong kabahayan. Nagkatinginan ang dalawang magkapatid na Calixtro at Cameron. Hindi na bago ang ganitong tagpo sa magkapatid. Sa tuwing uuwi sa bahay ang kanilang ama, palagi na lang itong lasing o hindi kaya nama’y galit na galit ito. Palagi na lang na ang kanilang ina ang sumasapo ng galit ng ama. “Calixtro, magtago ka na.” bulong ni Cameron sa kapatid. Alam kasi ni Cameron na sa tuwing darating ang kanilang ama na ganito. Hindi lamang ang ina nila ang napagbubuntungan ng galit ng ama, maging ang bunsong kapatid nitong si Calixtro. “Natatakot ako kay Daddy, Kuya,” ganting bulong rin naman ng siyam na taong gulang na si Calixtro. “Ka

