Chapter 83 BEVERLY… “I REALLY CAN’T believe that Calixtro really likes someone like you.” Ani Celine. “Ikaw pinatulan ka niya, samantalang you never fit his standard.” Napapakunot noo na lang ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko naman siya papatulan, kahit pa napipika na ako sa kaniya. Gusto ko na siyang sapakin pero nanimpi na lang ako. “You’re ugly, ang itim mo. You look so urg! I can’t say it. Basta you’re so ugly. Hindi ka bagay kay Calixtro.” Sabi pa niya. Ang conyo niya, mas nakakapikon pa siyang lalo dahil doon. Ako naman walang pakialam sa mga pinagsasabi niya. Alam ko naman kasi, aminado naman akong panget ako. Pero kahit panget nga ako, alam ko namang ako ang mahal ni Calixtro. Na sa akin lang si Calixtro at kahit na anong gand nitong si Celine hindi niya makukuha s

