Chapter 88 BEVERLY… “Ang gulo mo talaga, Calixtro. Ayoko na, ayoko nang masaktan pa. Tigilan na natin ‘to.” Nakatitig lang siya sa akin, walang kahit na anong reaction sa mukha niya. Hindi ko siya talaga maintindihan. Hindi ko mabasa ang kung anong tumatakbo sa utak niya. Napakahirap niyang intindihin talaga, alam kong paulit-ulit na lang ako pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon. “Ayoko na talaga, pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Kaya please tigilan mo na ako.” pagmamakaawa ko sa kaniya. I’m not in the mood to explain everything to him. Lalo pa at mukhang hindi niya naiintindihan ang mga pinagsasabi ko. He’s just looking at me like a lost boy. Nakakainis siya, inis na inis talaga ako sa kaniya. Lalo sa paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang wala talaga siyang iniis

