Chapter 99 CALIXTRO… MABILIS ANG naging proceso ng paglipat ni Beverly, smooth ang lahat lalo pa at ang mga magulang at kapatid ni Beverly ang nag-aayos ng lahat nang kailangan. Mas lalo kong napapatunayan na mukhang may sabwatan na nagaganap para pahirapan ako. Hindi ko lang talaga matukoy kung sino ang nasa likod nang lahat, at kung totoo bang kasabwat nila si Cameron. Dahil ngayon na hindi nila alam kung nasaan ako, maayos na nangyayari ang mga bagay na nasa plano ko. Isa na roon ang maisaayos kalagayan ni Beverly, na walang kahirap-hirap na mailalabas namin sa bansa na walang nakakaalam. “Susunod ako,” paulit-ulit kong sinasabi kay Chase. Nasa airport na kami ngayon, inihatid ko sila para sa pagpunta nila sa New York City. Pero hindi ako makakasama sa kanila ngayon, dahil sa kai

